Chapter 23: Judgement

70 9 3
                                    

"She's alive!"

Nanlalabo pa ang paningin ko nang
Bumangon ako, Pero may naririnig
Akong nag uusap sa paligid ko,
At may isang kamay na naka hawak
Sa akin.



"Lauren..."



Ang boses na iyon,
Naalala ko bigla ang totoong nangyari
Sa akin.


"Draigh" Tawag ko dito nang luminaw
Na ang paningin ko


"Are you okay?"


Ang mga mata niya ay puno ng pag-aalala,
Tila sinusuri ako nito na tumatagos
Sa aking kaluluwa.


"Anong nangyari?" Malamig na tanong ko



Napatingin pa ako sa kamay niyang
Naka hawak sa mga kamay ko,
Hindi na ako nag abala pang alisin yon
At umiwas na lang ng tingin.


"Akala namin ay patay ka na,
Yun din ang sabi ng Mahal na Diyosang
Si Hel" Sagot sa akin ni Aquila


Kahit na nahihilo pa ako ay pinilit
Ko ang sarili kong tumayo,
Inilibot ko ang paningin ko sa
Kabuuan ng templo at tumigil ang
Mga mata ko sa isang malaking
Gintong mesa na nasa gitna ng templo,


Mommy...



Patakbo akong lumapit sa labi niyang
Naka higa duon kahit na nagkanda-dapa
Dapa na ako dahil sa hirap lumakad
Ang mga paa ko, Naka himlay siya
Sa gintong mesa na puno ng puting
Bulaklak habang mapayapang naka pikit
at tila naka ngiti pa ang kulay rosas niyang labi. Parang kanina lang ay kausap ko siya...

Niyakap ko siya at duon ay hindi ko
Na napigilan pa ang sarili kong
Umiyak,

"Mom...I'm here. Sorry....I-I'm very very
Sorry" Hirap na wika ko habang palakas
Ng palakas ang pag hagugol ko


I want her hug...I want to hear her voice
Once more...


Kung hindi lang sana dahil sa akin
Ay baka buhay pa siya. Baka maayos
Pa ang enchantria. Baka hindi nagkaron
Ng isang pabayang reyna ang kaharian.
Baka sakaling mas matagal ko pa siyang
Nakasama...

Dahil sa pag hihiganti.
Dahil sa galit ko ay iginugol ko ang
Buhay ko sa mundo ng mga tao para
Mag plano ng paghihiganti kila Cort...
Pero sa huli. Ako parin pala ang talo.


"Mommy..." Muling pag tawag ko


Hindi ko alam kung paano ko ititigil
Ang pag agos ng mga luha ko,
Hindi ko alam kung paano ako muling
Haharap sa Enchantria...

"Be brave my love. Now go back to
Light and be free from despair"

Natigilan ako dahil sa biglang bumulong
Sa akin. Boses ni mommy.

I must be brave...and i will.

Pumikit ako para pakalmahin ang sarili
Ko bago tumayo at humarap kila Draigh.


"Let's go back" Wika ko bago ngumiti


"Wow...first time ko nakita ang ngiti
Mo Goddess Laima" Ani Jake

Bumuntong hininga ako at yumuko
Sakanilang tatlo na mukhang ikinagulat
Nila ng todo dahil pare-pareho silang
Pinnlakihan ng mata.


"Please, Call me Lauren" 



***




Pagkatapos namin sa templo ay
Si Goddess Hel na mismo ang
Nag teleport sa amin papunta kay
Goddess Cashmir na naka upo
Sa trono niya at mukhang alam
Na ngayon din kami dadating.

"Nabalitaan namin na may nakapasok
Sa sagradong pintuan papunta sa
Templo ng mga Patay" Panimula ni
Goddess Fyra na isa isa kaming
Pinapasadahan ng tingin


"Ang Section Diamonds po ang
Tinutukoy ninyo" Sagot ni aquila


Tumango lang ang mga diyosa na
Para bang naiintindihan ang nangyayari.


Bumaling naman sila ng tingin sa
Akin.

"Goddess Laima, Queen of Enchantria.
Did you see the former Queen?"



"Yes" Sagot ko


"And I regret everything" Dagdag ko pa
At yumuko sakanila


Kita ko ang gulat nila, hindi ko naman
Sila masisisi.


"Really?" Hindi makapaniwalang tanong
Ng diyosa



Huminga ako ng malalim bago umangat ng
Tingin sakanila.


"I regret that i came back for
Revenge. Nagsisisi ako. Kung
Ayaw niyong maniwala it's fine"


"Kung ganon ay maluwag mong
Tatanggapin ang parusa namin
Saiyo"


Tinignan ko ng diretsyo sa mga mata
Si Goddess Cashmir, Seryoso ang
Tingin nito sa akin at halata ang
Pagka dismaya.


"Tatanggapin ko ang parusa"
Wika ko at yumuko sa kanila



Alam ko ang mga kasalanan ko,
Hindi ako tanga para mag bulag-bulagan
At paniwalain pa ang sarili ko sa
Walang kwentang pag hihiganti na
Malabo nang matuloy.

Parang gusto ko tuloy kurutinat
Sabihin sa sarili kong sinayang ko
Ang kalahati ng buhay ko na malayo
Sa  kanila. Ngayon nakikita ko na
Kung sana noon pa lang ay malakas
At matapang na ako...Baka sakaling
Natulungan ko silang mabali ang
Sumpang inilagay ni Natasha.
Aminado akong naging makasarili
Din ako ng mga panahong iyon.
Masyado akong nabulag ng galit at
Hindi na nakapag isip ng tama...

Lumapit saakin ang pinaka mataas
Na Diyosang si Goddess Cashmir
At itinapat ang palad nito sa aking
Nuo.


"Dahil sa iyong mga kasalanan ay
Papatawan kita ng kaparusahan.
Sa ngalan ng aking kapangyarihan
Bilang pinaka mataas na Diyosa.
Tinatanggalan kita ng kakayahan
Gaya ng sa mga Diyos. Ang
Katawan at kapangyarihang Diyosa
Mo ay aking babawiin. Ako ang
Diyosa ng Lahat. Ang kaparusahan
Ay ipapataw ko ngayon din!"


Isang napakalakas na liwanag ang
Tumama sa buong katawan ko
Dahilan para mapasigaw ako ng
Malakas. Liwanag lang ang tumatama
Sa akin pero parang inihihiwalay ang
Kaluluwa ko sa aking katawan.
Parang pinupunit ang laman ko at
Sinusunog ang kalooblooban ko.



"Lauren!"


Narinig ko ang pag tawag ni Draigh pero
Hindi ko na siya magawang pansinin
Dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman
Ko. Hindi matigil ang pag sigaw ko
Na para bang sinusunog na ako ng buhay.
Hanggang sa unti-unti akong mang hina
At parang lantang gulay na bumagsak
Na lang sa malamig na sahig ng templo.



Agad akong nilapitan nila Aquila
Pero nanlalabo na ang paningin ko.
Napaka laking enerhiya ang nawala
Sa akin. Parang kalahati ng kapangyarihan
Ko ang kinuha.


"Ihatid niyo na ang Reyna sa kaniyang
Kastilyo" Utos ni Goddess Cashmir
At agad namang nag teleport sila
Draigh






Ilang segundo lang ay naramdaman ko
Na ang malambot na kama sa aking
Likuran, Nasa tabi ko ang tatlo at
Nag aalala ang tingin nila sa akin.



"Thankyou sainyo" Nanghihina kong wika




This is my judgement. And this is
My second chance to comeback to light.








__________














Her Charm's Revenge  (BOOK 2 of LOWC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon