Chapter 25: Game Plan

91 11 5
                                    

Nag lalakad ako papunta sa throne room,
Nag hihintay lahat ng konseho ngayon
Para pag usapan ang lahat ng
Nangyayari sa Enchantria.
Nakaka tawa ngang isipin na isa
Ako sa problema ng sarili kong
Kaharian....

Natigilan ang mga nag kukwentuhang
Mga kawal nang makita ako at agad
Na inanunsiyo na papasok ako sa
Throne room, Seryoso lang ang mukha
Ko at huminga muna ng malalim bago tuluyang pumasok,

Para akong sinusunog ng mga nag
Babagang tingin ng konseho,
Nandoon din sila Cort na mukhang
Nag aalala pero hindi ipinapahalata
Dahil sa tensyon na bumabalot sa
Silid. Dire-diretsyo lang akong nag
Lakad at tumayo sa harap nila,
Tinignan ko sila isa-isa bago tuluyang
Yumuko ng maypag papakumbaba,

"Patawad. Kung dismayado kayo
Sa akin" Wika ko na tanging naririnig
Sa buong kwarto

Ilang segundo pa ang itinagal ng
Pag yuko ko bago muling tumingin
Sa kanila, May mga tingin na nag tatanong,
Mga nang huhusga at karamihan ay
Nagulat. May mga naka ngiting tumayo
At yumuko din sa akin,


"Dismayado kami, Ang Prinsesang
Matagal na hinanap ng kaharian ay
Siyang nag dulot ng unti-unting pag
Bagsak nito" Wika ng isa sa mga pinaka
Matandang konseho na nag lilingkod
Sa White Castle simula pa nuong bago
Makoronahan bilang reyna ang aking ina

"Tama, Hindi namin akalain na
Magiging ganiyan ka. Buti na lang
Pala ay inalis ka sa katungkulan bilang
Diyosa"

Napapikit na lang ako sa mga
Komentong ibinabato sa akin,
I can't blame them, Sino pa nga ba
Ang sisisihin kundi ako lang naman
Talaga dahil inuna ko ang sarili ko
Kaysa sa enchantria...

"Kung gusto ninyong ibalik ko
Si Cort sa pagiging Hari ay gagawin
Ko, Kung gusto niyo din na umalis
Ako sa trono ay tutuparin ko"
Mariing wika ko na may pag lalakas loob

"Pero habang ako ang namumuno ay
Susundin niyo parin ang utos ko.
Ang Section Diamonds ang problema
Natin ngayon. Hindi namin alam ang
Motibo nila pero malinaw na hindi
Sila simpleng mag aaral lang ng
Charm Academy"

Tumango naman ang ilan na parang
Naiintindihan ang sinasabi ko,

"Kung ganon ay ano ang plano mo
Kamahalan?" Magalang na tanong
Nung isa sa kanila, Bakas sa mukha
Niya ang kaba

"Nag desisyon akong pumunta sa
Maleficis" Tanging sagot ko

Nakarinig ako ng sari-saring
Reaksiyon na hindi nagustuhan ang
Sinabi ko dahilan para umingay ang
Buong kwarto.

"That's my decision, hindi ako
Papayag na may kumontra sainyo.
Makakaalis na kayo, Royalties, Please
Stay" Wika ko na may otoridad

Nakita ko ang pag iling nila bago
Magsi tayuan, napa sapo na lang ako
Sa nuo ko dahil sa pagka dismaya na
Hindi sila sumang ayon sa akin,
Pero ano nga bang aasahan ko?
Na makukuha ko ulit ang tiwala nila
Matapos kong iwan ang enchantria
At bumalik para sirain ito?

"What's your plan Ate Lauren?"

Tumingin ako sakanila bago
Bumuntong hininga,

"Sasama kayo sa akin sa Maleficis"

"Kami din"

Napatingin kami nang bigla na lang
Lumitaw sa kawalan si Morine
Kasama sila Draigh, Aquila at Alger.

"Maiintindihan ko kung bakit ka nandito,
But why are you with them?" Turo ko
Sa mga kasama niya

"Sasama sila, Ayaw mo yun?
God and Goddesses tatanggihan mo?"

Her Charm's Revenge  (BOOK 2 of LOWC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon