Chapter 13: Fire down

224 14 12
                                    

Ang pagkamatay ng apoy...

Nasa pinakamataas na parte ako ng kastilyo.
Sa toreng bahagi ay tinatanaw ko ang white castle mula sa malayo habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin...Sa tingin ko ay pangitain ang nakita ko...pero sino yon? Sino ang babaeng yon?
Inilibot ko ang buong paningin ko.
Biglang may bumalot na lungkot saakin...
Hindi ko alam kung bakit o ano...

"Bakit nandito ka?"

Narinig ko ang pamilyar na boses pero hindi na ako nag abalang lumingon pa...

"Gusto kong masaksihan ang pagkasira ng buong lupaing ito" pag sisinungaling ko

"Laima...ang pag hihiganti mo ay walang patutunguhan"

Duon ko na siya nilingon

"Draigh...ano bang alam mo?" at bakit niya ba ako kinakausap ngayon?

Tinignan ko siya at seryosong naka sandal sa pader na gawa sa bato...naka itim siyang long sleeve at itim na pants...tinignan ko ang kulay abo niyang mga mata...Ano bang masasabi mo sakaniya? Perpekto. Perpekto siyang mailalarawan...
tinignan niya din ako kaya nag tama ang mga mata namin.

"Wala. I don't know anything. Sinasabi ko lang na mapapahamak ka kung ipagpapatuloy mo yan" seryosong sagot niya

"Bakit ka nandito?" pag balik ko ng tanong niya kanina saakin

"Dito ang tulugan ko kaya bumaba ka"

Kumunot naman ang nuo ko sa isinagot niya.

"Ano?"

"Dito ang tulugan ko--"

"Hindi matutulog dito ang immortal na gaya mo, May nakalaang tirahan para saatin" Tinaasan ko siya ng kilay

"Anong alam mo?" Pang gagaya niya naman sa tanong ko kanina

"Alam ko lahat. Manahimik ka" Inirapan ko siya

"Alam mo din kung sino ang reynang nasa panaginip mo?" Ngumisi siya saakin saka pinag krus ang braso niya

"H-hindi..." Umiwas ako ng tingin. Pahiya ako dun ah?

"Now, bumaba ka na. Matutulog ako" Itinuro niya yung hagdan pababa ng tore

"Inuutusan mo ba ako?"

"Oo" Prenteng sagot niya na ikina-init ng ulo ko

Ang akala ko pa naman ay galit to saakin.
Nag labas ako ng snow ball sa palad ko at ibinato yon sa mukha niya bago ako mag teleport paalis. Anong karapatan niyang utusan ang reyna? Parehas lang naman kaming immortal.

Nag lakad na lang ako sa pasilyo papunta sa training hall. Lahat ng makakasalubong ko yumuyuko at binabati ako. Sa isang iglap ay parang gusto kong bumalik sa dati...kung saan isa lang din ako sa mga mag aaral ng Charm academy. Simpleng nag aaral kung paano palakasin ang kapangyarihang meron ako. Pero iba na ngayon. Maibalik ko man ang dati pero ang ala-ala at karanasan ko sa lumipas na panahon ay hindi na mag babago...

Natigilan ako saglit nang maabutan ang mga istudyante na kasali sa rank leveling na nag eensayo. Napatingin sila saakin bago sabay sabay na yumuko. Sumenyas ako na ipagpatuloy nila ang pag eensayo. Umupo ako sa kahoy na upuan sa gilid.
Naramdam ko na naiilang sila sa presensiya ko kaya ngumiti ako sakanila.

"Don't mind me" wika ko

Nag patuloy sila na naiilang parin.
Napatitig ako kay snowbell, Napansin ko na nakatingin siya sa poner niya hindi ko lang alam kung anong tinitignan niya duon.
Nakita ko na binanga siya sa balikat ni Heather dahilan para mahulog ang hawak niya sa sahig. Tumaas ang kilay ko sa nakita pero hindi ako umimik. Same bullies as before, tsk. Wala na ba silang bagong way ng pang aapi?

Tumayo na ulit ako at nag teleport naman pabalik sa dorm, Wala naman na akong mapupuntahan dito at kung patuloy akong mag iikot ay makakasalubong ko lang sila Atina at ayokong mangyari yon...

"Saan ka na naman galing?" Bungad ni Morine na nakaupo sa kama ko

Hindi ako sumagot at nahiga nalang ng tuluyan sa kama.

"Oy, hindi mo alam yung balita?" pangungulit niya pa

Nanatili akong tahimik at hinintay ang sasabihin niya, panigurado naman na dadal-dal pa yan.

"May mga nakapaskil na kasulatan sa buong enchantria, ang tungkol sa pag-papatalsik mo kay Cort sa Trono.
Maraming galit sa labas ng Academy Kanina"

Natigilan ako sa narinig.
Abala akong tanawin ang white castle mula sa malayo pero hindi ko manlang narinig ang tungkol sa mga nasa labas ng Academy?

"Itinaboy mo na ba?"

"Tinaboy? Bakit? Laima. Ikaw ang reyna, hindi ba't dapat lang na mag pakita ka sakanila?" Kumunot ang nuo niya lalo saakin

"Itaboy mo. Palayasin mo. Gamitan mo ng charm kung kinakailanga" Inaantok na sagot ko

"Nasisiraan ka na ba Laima? Ikagagalit ng mga mamamayan mo--"

"Wala akong pakialam" Pag putol ko sakaniya

Wala siyang nagawa kundi sundin na lang ang utos ko, wala akong pakialam kung kagalitan man ako ng mga nasasakupan ko. Wala akong pakialam sa pangitaing nakita ko.
Tinignan ko ang aking palad...hawak ko ang kapalaran...bakit ako mag aalala?

Nanatili ako sa kwarto buong araw, walang pagkain at naka pikit lang ang mga mata ko.
Narinig ko din na napa alis na pala ang mga nag rereklamo sa tapat ng academy, bawas problema.

"Lauren! Anong kasulatan yang inilabas mo?! Bakit mo pinapa baba si cort sa pwestong ikaw mismo ang nag bigay sakaniya?!!"

Napamulat agad ako nang marinig ko ang boses ni Margo sa loob ng kwarto ko. Tinignan ko siya at nakita ko na hawak hawak niya yung poster kung saan naka sulat ang kauutusan ko na tangalan ng karapatan si cort sa trono. Galit ang kaniyang mukha at mukhang siya lang mag isa ang nag abalang sugurin ako.

"Margo, alam kong tanga ka na pero inaraw-araw mo yata? Hindi ako ang nag luklok kay Cort sa trono niya dahil si Natasha yon. Pangalawa. Hindi siya karapat dapat sa posisyong iyon. Ang kaharian nila ay babagsak at wala akong pakialam duon"

"Sana nga ay hindi na lang kami nakawala sa mahika ni natasha! She's way better that you--"

*PAKK!, PAKK!*

Mag asawang sampal ang ginawad ko sakaniya na ikina-paling ng ulo niya. Natahimik siya

"Wag na wag mo akong ikukumpara sa ahas na yon" Mariing wika ko

Maya-maya ay lumitaw sila Atina na naguguluhan ang tingin saamin, pero nang makita nila ang bakas ng kamay ko sa magkabilang pisngi ni Margo ay mukang alam na nila ang sagot kung bakit tila napipi si Margo.

"Si Cort na ang kusang bumaba sa pwesto niya"

Napangisi ako sa narinig kong ibulong ni Lucas sakaniya kaya napa ngisi ako...
Hmm....masunurin naman pala....





_____

Continuation will be posted tomorrow due to online class reasons~



Her Charm's Revenge  (BOOK 2 of LOWC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon