Chapter 7: New beginning

255 15 4
                                    

Panibagong simula
Panibagong yugto
Simula ngunit hindi ang wakas.

"Goddess Laima, Gising na"

Iminulat ko ang mga mata ko nang marinig
ang boses ni Morine sa tabi ko.
Bumangon ako at tinignan siya.

"Bakit?" Tanong ko

"Anong bakit? May breakfast sa Breakfast Hall ngayon at kailangan present tayo" Umirap siya

Tumayo na ako at nilagpasan siya.
Nag bihis na ako ng itim na Bistida na pinaliligiran ng dyamante.
Naka ayos ang buhok ko...
Ang kulay mais kong buhok na may bahid ng kahel sa dulo...
Magara kaming bumaba ni Morine ng hagdan kung saan nakita namin ang mga kasamang Diyos at Diyosa na naka bihis na din...Akama sa kapangyarihang taglay nila...

"Magandang umaga Laima!" Magiliw na bati ni Aquila

"Magandang umaga din" Ngumiti ako ng tipid

"Gutom na ako halina kayo!" Pag aaya ni Alger

"Balibhasa Semi-god ka kaya parati kang gutom" Pang aasar sakaniya ni Aquila

Napa dako ang mata ko kay Draigh.
Naalala ko nanaman ang sinabi niya kagabi...

'Kapag natutong mag mahal ulit
ang puso mo...'

May alam ba siya sa nakaraan ko?
O bilang isa sa mga diyos ay nababasa niya ang nakaraaan ko?
Wala din naman siyang paki alam.
Anong pinoproblema ko?

Sabay sabay kaming nag teleport sa tapat ng malaking double door
agad na bumukas yon at inanunsiyo ang pag dating namin...

Kung nuon...Kami nila Cort na Prinsesa at prinsipe ang tinitingala ng lahat...
ngayon. Diyos at Diyosa na ang pangkat na kinabibilangan ko...

Nagsitayuan lahat ng kumakain na nanduon at yumuko saamin.
Ganun din sila Cort naka yuko sila saamin.
Puno ng kapangyarihan ang paraan ng aming pag lakad papunta sa naka handang gintong trono na naka laan para saamin.
May mahabang kulay pilak na mesa sa harap non na puno ng pagkain. Kasama sa mesang yon sila Cort.
Umupo na kami at katabi ko si Morine,

"Magandang umaga" Sabay sabay na bati nila Atina.
Nakita ko na may benda siya sa paa.
Dahil siguro sa nangyari kahapon

Marahan ang pag kain namin,
Kapansin-pansin ang pasimpleng pag sulyap ng ibang istudyante saamin ang iba ay parang nanigas na sa kinauupuan at sa mga mata na lang nag uusap-usap.

"Ang tahimik naman" Marahang bulong saakin ni Aquila na nasa kabilang side ko.

"Gusto mo ng palabas?" Ngumisi ako sakaniya

"Anong gagawin mo?"

"A little story telling"

Tumayo ako at nag lakad papunta sa gitna.

"Ang tahimik niyo naman?
Nung ako pa ang nag aaral dito masaya ang breakfast hall" Ngumiti ako

Nagsilingunan naman silang lahat saakin.

"Gusto ko kong makilala niyo pa ako" Yumuko ako na siyang ikinagulat nila

Pinalibutan ako ng isang makapal na puting usok hangang sa maging dalawa ang katauhan ko na ikina mangha nila.

"Siya si Sabrina Winter" Wika ko habang naka tingin sa kalahati ng katauhan ko

Kung ako naka itim na bestida
ang sabrinang kaharap ko na nangaling din saakin ay naka asul na may halong puti ang suot na damit...
Ang buhok niya ay  purong kulay mais
at ang mga mata ay kulay asul...
Nakita ko sakaniya ang dating ako.

Her Charm's Revenge  (BOOK 2 of LOWC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon