Chapter 6: Charms

254 15 6
                                    


Hindi na maibabalik ang dati...

Naka upo kami sa inihandang trono para saamin. Ang sabi ni Ms.Kath ay ipapakita daw namin ang kapangyarihan namin sa mga estudyante, Kasabay na rin ng pag papakilala.
Hindi ko alam kung bakit kailangan pang gawin yon?
Naka palibot saamin ang mga mag aaral ng Charm Academy mukhang excited sa Charm na taglay ng bawat isa saamin.

"Prinsipe at Prinsesa ng Enchantria. Isa sa sila sa bago niyong mga tagapag sanay" Naka ngiting ani Goddess Cashmir

Nasa gitna sila cort.
Hindi ko alam kung may ipinag bago ba ang antas ng kapangyarihan nila o ano,
Nauna si Atina nagsimula siyang mag patubo ng mga ugat sa paligid namangha naman ang mga nanunuod.
Pero naka isip ako ng nakakatuwang paraan para maipahiya siya.
Iginalaw ko ang hintuturo ko at ako ang kumontrol sa mga ugat.
Unti-unti kong pinagapang ang mga iyon sa binti niya.
Nakita ko na naguguluhan siya.
Mas hinigpitan ko pa ang kamit ng nga ugat sakaniya hangang sa matumba siya sa sakit.

Nag simulang umugong ang bulungan nag tataka ang mga mata nila Cort hangang sa mapa dako ang tingin nila saakin.
Nag kibit balikat lang ako at pinag laho ang mga ugat.

Inakay siya nila Jake pabalik sa upuan, Samantalang ang sama ng tingin saakin ni margo.
Sumunod na nag pakita ng Charm si Jake.
Kinontrol niya ang lahat ng tubig na nasa loob ng main hall. Pero nung papunta na ang mga yon sa direksiyon niya ay pinag yelo ko ang mga yon tyaka dinurog.
Agad siyang napa lingon saakin pero naka ngisi lang ako.

"What are you doing?"

Napalingon ako sa diyos na si Draigh.

"Having fun" I smiled at him

Sumunod si Margo nagulat ako nang sa direksiyon ko humampas ang hangin na pinakawalan niya!
Nakita ko na ngumiti siya saakin
Pinag laho ko ang buhawi na ginawa niya maging ang hangin sa katawan niya.

"Laima" Nag babantang tono ni Goddess Cashmir

Agad kong ibinalik ang hangin sa katawan niya, Wag ako ang kakalabanin niya...
Huling nag pakita ng Charm si Cort.
Isang fire ball ang lumitaw sa palad niya
Naka tingin lang ako duon hangang sa unti-unting malusaw ang bolang apoy na hawak niya at tumambad ang isang rosas na nabubuhay sa loob non...
Hindi nakaka mangha para saakin pero nagsi palakpakan ang mga istudyante.
Tumaas ang kilay ko nang iabot niya saakin yung rosas.
Ngumisi ako bago yon kunin mula sa mga kamay niya.
Dinurog ko ang kaawa-awang bulaklak sa mga palad ko hangang sa maging abo.

Nawalan ng emosyon ang mukha niya bago umupo sa tabi nila Atina.

"Princess Morine Widow"

Tumayo si Morine at nag punta sa gitna.
marami ang namangha nang nagawa niyang pag sama-samahin lahat ng apat na panahon. Isa sa mga inensayo niya nuong nasa mundo pa kami ng mga Mortal...
Sobra ang pag hihirap niya para makamit ang hanganan ng kapangyarihan niya
At humanga ako sakaniya dahil duon.

"Semi-God of Battles Alger"

At dahil kalahating diyos ng pakikipag laban si Alger ay wala siyang maipapakitang kapangyarihan
Kundi ibang klaseng martial arts na maski ako ay hindi ko kayang tumbasan.
Ang Charm na taglay niya ay nag papahiwatig na hindi mo kailangang magkaroon ng kakaibang klaseng kapangyarihan upang matawag kang malakas.
Ang pag papakita ng pinag halong mentalidad at pisikal na lakas ay talo ang isang taga enchantria na may kakaibang Charm pero tulog naman ang utak sa tuwing nakikipag laban.

Her Charm's Revenge  (BOOK 2 of LOWC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon