Chapter 2: She's Back

271 21 6
                                    


*Beep beep!*

Agad kong hinawakan ang braso ni morine para makapag laho.
Muntik na kaming mabanga ng truck! 
Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng lugar.
Puno ng matatayog na gusali at makukulay na ilaw.
Maingay din ang paligid dahil sa dami ng tao.

"Ito na ba ang mundo ng mga mortal?" 

Tumango lang ako bilang sagot sa tanong ni Morine...
Nasa mundo na kami ng mga tao...
Kung saan ako lumaki...
Akala ko nuon ay kabilang ako sa mga taong naninirahan dito.
Pero hindi pala...

Sa dami ng nalaman ko.
Sa mundong ito parin pala ang bagsak ko.
prinsesa man ako ng isang kaharian.
Sa mundo parin pala ng mga tao ang hantungan ko.

"Halika na" Pag aaya ko kay Morine

"Saan naman tayo pupunta?"

Tinignan ko ang mga ginto na dala namin.

"Sa sanglaan ng ginto.
Kailangan natin ng pera"

Panay ang tingin niya sa paligid habang nag lalakad kami.
Namamangha ang kaniyang mga mata kaka lingon sa kung saan-saan na bago sa paningin niya. Napapa tingin din ang mga tao dahil siguro sa kasuotan namin.
Naka gown pa kasi kami!

Nag tungo kami sa pinaka malapit na sanglaan at duon pina palit ang dala naming mga ginto. Kakaiba pa nga ang tingin saamin ng alaherang nanduon marahil ay nag tataka sa dami ng ginto na aming dala.

Bumili kami ng damit na naaayon sa mundo kung nasaan kami ngayon bago mag hanap ng matutulya. Pero dahil gabi na kaya wala kaming matutuluyan kaya gamit ang perang naipalit namin ay nag book na lang kami ng hotel. at dahil wala din naman kaming kahit anong I.D ay ginamitan ko na lang ng mahika yung taong nasa front desk.

"Ang ganda naman pala dito!" Namamanghang ani morine

"Hindi ko ba nami-miss ang enchantria?"

"Mami-miss. Pero mas gusto kitang samahan dito" 

"Bakit?"

"Dahil alam ko yung pakiramdam ng hindi pinili..." Ngumiti siya ng mapait

Tumango tango na lang ako at nahiga na sa kama.
Pinag iisipan kung paano itataguyod ang sarili mula sa mundong ito... Sabagay. Dito naman ako lumaki.

Masaya kaya sila sa enchantria ngayon?
Hindi ba nila nahahalata na hindi ako yon?...Na hindi ako ang lauren na kasama nila ngayon?

Lumipas ang araw...buwan at taon...
Pina unlad ko ang perang ipinalit namin sa ginto.
Nagkaroon ng sariling kumpanya. Sari-sariling ari arian.
Palihim na pag gamit ng mahika at pag papalakas ng kapangyarihan.

Dinama ko ang malakas na ihip ng hangin sa bintana habang inaalala ang pag tapak namin nuon sa mundo ng mga mortal.
Yung panahong masakit pa para saakin ang pag talikod ng buong enchantria...
Pero ngayon?
Wala na akong paki alam...Yung galit ko ay sobra-sobra.

"Sabri! Halika na!"

Napa lingon ako ng tawagin ako ni Morine.
May suot siyang itim na hood.
Itinaas ko na rin ang pulang hood ng kapa na suot ko para kahit papaano ay matakpan ang mukha ko.
Hindi pa nila ako pwedeng makita...
Gusto ko ay sa oras na makita nila ako
Ay talagang magugulat sila...

Napangisi ako sa isipin...

Nag teleport na kami at sa bayan na lumitaw.
Maraming mamimili at sari-sari ang ingay na maririnig.
Marami din ang nag hahabulan na mga bata.
Tumaas lang ang kilay ko ng makita ang mga nag kalat na pulubi.
Mukhang bumaba ang ekonomiya ng Enchantria....
Anong klaseng pinuno ang huwad na natasha na iyon?

Her Charm's Revenge  (BOOK 2 of LOWC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon