SPECIAL CHAPTER: 1

122 10 3
                                    

Isabella Snowbell

Naka tingin ako sa labas ng karwahe
Habang mahigpit ang kapit sa bistida ko.
Isa ako sa mga napiling ipadala sa
Charm Academy para duon mag aral.
Hindi ko alam sa reyna...pero isinama
Niya pa ako sa aking kapatid.
Ito ang unang pagkakataon na nakalabas
Kami sa kaharian ng Maleficis. Kakaiba.
Yan ang mailalarawan ko habang tinatahak namin ang daan patungo sa kaharian
Ng Enchantria.

Itinuturing na kakaiba ang kapangyarihang
Mayroon ako sa aming kaharian.
Ano bang kakaiba sa pagkakaroon ng
Kapangyarihan ng Yelo? Para ituring na
Isinumpa?
Hindi naman ako ganoon kalakas kahit pa
Sabihin nilang kakaiba ako.

"Tulala na naman, bakit ba isinaman
Ka pa kasi saamin?" Mataray na puna saakin
Ng kapatid ko na panay ang tingin sa kuko niya

Kaming dalawa ang magkasama sa
Karwahe.

"H-Hindi ko naman gustong makasama"
Sagot ko

"Papansin ka lang talaga, tss." Umirap siya saakin

Nuon naman ay ayos kami sa bahay ampunan. Pero simula ng pareho
Kaming ampunin ng reyna ay ganiyan na ang
Trato niya saakin.

Umiwas na lang ako ng tingin at natanaw
na yung puting kastilyo di kalayuan.
Bago kami makapasok sa bayan ay para kaming tumagos sa isang magic barrier.
Yun pala ang sinasabi nilang White Castle.
Napaka ganda.
Mukha namang sagana ang bayan nila.

Nag tuloy-tuloy ang karwahe hangang sa kakahuyan kung saan puro puno na lang
Bigla ang tanawin. Lib-lib na ang lugar na
Tinatahak namin.

"Sigurado ba sila na ito ang daan?"
Mataray na tanong ng kapatid ko na panay
Ang dungaw sa bintana

"Gaya ng sabi ng reyna" Sagot ko

"Tinatanong ba kita?"

"H-Huh?"

"Kausap ko ang sarili ko kaya wag kang
Sumasagot diyan dahil hindi naman
Ikaw ang kausap ko"

Napatulala na lang ako sakaniya.
Hindi alam kung matatawa ba o ano.

Maya-maya pa ay hindi ko na napansin na
Naka tigil na pala kami sa harap ng malaking Gate na gawa sa ginto. Kusa itong bumukas bago tumuloy ang sinasakyan naming karwahe. Tumigil ito sa harap ng malaking fountain. Mistulang cristal ang umaagos na tubig dito dahil natatamaan ito ng sinag ng araw.

Pinag-buksan kami ng pinto,
Mauuna na sana akong lumabas pero
Hinawi ako ni Heather na siyang kapatid
Ko para mikapag-unahan sa pag labas.
Napa buntong hininga na lang tuloy ako
bago sumunod sakaniya.
Naka baba na din ang iba naming kasama
na nag sisikumpulan.

May isang babaeng lumapit saamin.
Naka ngiti ito bago yumuko.

"Kayo na ba ang mga mag aaral mula
sa kaharian ng Maleficis?"

"Kami nga po" Sagot naman ng kapatid ko

"Mabuti at Charm Academy ang napili
Ninyong akademya, Ako ng pala
si Ms.Kath, Ako ang bahala sainyo"

Sa itsura niya pa lang
Mukang mabait na, Nalala ko tuloy ang mga
Tagapag silbi sa palasyo namin.

Nag lakad kami papasok, malawak ang hallway at marami-rami ding mga estudyante ang naglalakad pasalungat saamin.
Magara ang estraktura ng kastilyo. Napaka ganda

*Sila ba yung mga bagong lipat?*

*Oo, balita ko ay galing sila sa hindi kilalang
Kaharian sa labas ng enchantria*

*Ganun? Ibig sabihin pala ay walang
Ibubuga yang mga yan*

"Tss."

Napatingin ako kay Evan, may pagkairita
na Mababakas sa mukha niya.
Marahil sa bulung-bulungan sa paligid.
Isa siya sa mga kilala kong kasama namin
Maliban sa kambal na sila Flame at Flamia
At ang kaibigan ng kapatid ko na sila Cascadia at Ivy.

"Since wala pa kayong sections ay
sa iisang dorm muna kayo, Mag handa kayo
Bukas dahil dadating ang Royalties bukas.
Mag pahinga muna kayo ngayon" Ngumiti
Saamin si Ms.Kath bago kami iwan sa
Dorm.

Si Heather ang nag bukas ng pinto.
Gusto kong mamangha dahil sa loob ay
May ibat-ibang elemental atributes na nakapalibot sa iisang bagay.
Halimbawa na lang ng mga kama.
Mayroong kama na inuulanan ng nyebe.
Kama na inaapoy, mayroon ding gawa sa tubig at marami pang iba. Kakaiba ang dorm
Ng Charm Academy.

Dumiretsyo ako sa kama malapit sa bintana.
Totoo ang niyebeng umuulan don.
Gumaan bigla yung pakiramdam ko.
Nag papasalamat na lang ako na isinama
Ako dito.

Dahil pansin ko na puro pinaka malalakas
na kaedaran ko ang ipinadala dito.
Samantalang ako ay wala pang gaanong alam gawin.

"Balita ko ay may kasamang God and Goddesses bukas, Nakaka excite naman!"
Natutuwang wika ni Cascadia na naka higa sa kama niyang gawa sa hangin na mukhang ipo-ipo

"Swerte at napili tayo! Minsan lang
pumayag ang reyna na may lumabas
sa maleficis" Wika naman nung lalaking
nakahiga sa kama na puro halaman?

"Gusto kong makilala ang mga istudyante
dito, mukang mahihina" Taas nuo namang
Sabi ng kapatid ko na si Heather habang nag lalaro ng kidlat sa isa niyang palad.

Nag ku-kwentuhan lang sila habang
ako ay nag aayos na ng gamit,
Pansin ko din na hindi nakikisali
sakanila si Flame at Flamia at ang iilan
Sa mga kasama namin.

Nakakamangha ang akademyang ito.
Hindi na ako makapag hintay na mag-
Aral dito.



_________












Her Charm's Revenge  (BOOK 2 of LOWC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon