Chapter 27: The Lost Land Maleficis

40 5 2
                                    


Lauren's POV


Gaya ng sinabi ni Aquila ay agad kaming sumisid palapit sa labasan ng kweba at tumakbo sa gilid ng higante na hindi nahahalata, buti na lang at advantage saamin na malaki siya at hindi kami napansin. Nang makalabas ay hingal akong napa yuko, ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi dahil sa takot na mahuli kami ng higante kundi sa takot na hindi gumagana ang charms namin dito.


"Nanganganib tayo" Ani Aquila.


"Pero hindi pa natin alam ang paraan kung paano makakabalik" Frustrated naman na wika ko.


Inaral ko ang buong libro na patungkol sa maleficis pero walang nabanggit na patungkol sa pagkawala ng charm, kung alam ko lang edi sana nakapag handa manlang kami. Sa mundo ng kapangyarihan kung hindi gagana ang mga charm namin para lang kaming isang normal na tao at hindi maganda 'yon.



"Maski sila God Draigh at Goddess Aquila ay walang magawa, anong plano?" Pasimpleng bulong ni Morine.


Napapikit na lang ako bako bumuntong hininga.



"Mag hahanap muna tayo ng matutuluyan sa ngayon bago mag manman sa paligid " 



Iginala ko ang paningin ko, kasalukuyan kaming nasa itaas ng bundok kung saan tanaw namin ang kabuuan ng bayan sa ibaba na puno ng buhay. Ang mga atribus, ang mga mamamayan ng kaharian na ito, sa  dulo ng bayan ay ay isa pang bundok. Sa tuktok nito ay may naka tayong napaka laking kastilyong gawa sa ginto at cristal at pinalilibutan ng tubig.


"Ito na ang Maleficis" 


"Ang nawawalang sibilisasyon ng Enchantria" 




Hindi ko maiwasang mamangha, pagka baba namin ng bundok ay mga palayan ang bumungad sa amin, may mga taniman din ng gulay, prutas, at mga pastulan ng tupa. Mayabong din ang taniman nila ng ibat-ibang uri ng bulaklak na humahalo sa hangin ang halimuyak.


"Napaka laking panghihinayang ang nararamdaman ko ngayon, kung magka sundo lang sana ang dalawang kaharian na ito tiyak na lahat ay makikinabang sa yaman ng parehong lupain" Malalim na wika ni Aquila kaya napa iwas ako ng tingin.



Binilisan ko na ang paglalakad, tila may swerte parin kaming nabaon dahil wala pa kaming nakakasalubong na atribus, pero nakakapag taka dahil paniguradong aatake agad ang section diamonds lalo na at nandito kami sa lupain nila, maliban na lang kung nasa enchantria parin sila na ikinababahala ko...



Nang marating namin ang tarangkahan ng bayan ay agad kaming nag tago sa likod ng mga talahib dahil sa mga kawal na naka bantay.



"Paano tayo papasok?" Tanong ni Cort.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 23, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Charm's Revenge  (BOOK 2 of LOWC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon