Chapter 22: Battle of Regrets

84 7 6
                                    


Iginapos nila si Garret sa isang puno
Habang walang malay, Sinigurado
Sa amin ni Draigh na ilang araw pa
Ang bibilangin bago yon magising.
Nag pahinga muna kami ng ilang oras
Bago tumuloy sa pag lalakad,
Matarik na ang nilalakaran namin paakyat
Sa bundok, Kahit papaano ay may
Ideya na kami na malapit-lapit na kami
Sa Templo. May liwanag na din kaming
Nakikita at ang buong paligid namin
Ay puro panay na mga halaman at puno.
Tuyong-tuyo ang bitakbitak na lupa
At bibihira ang mga ibong makikita.

Walang nag sasalita sa amin mula
Pa kanina, Hindi ko din matignan si
Draigh ng diretsyo sa mata.
Masyado ba akong naging mapang
Husga sakaniya? Ngunit hindi ko
Din naman masisi ang sarili ko.

Ilang araw na kaya ang lumipas?
Hindi namin alam ang pangyayari
Lalo na at nag simula kami sa
Napaka dilim paanan ng bundok.

Napatingala ako nang may
Maramdaman na patak ng ulan,
Dahan-dahang kumulimlim ang
Kalangitan, Animo'y may nag babantang
Paparating na bagyo. Nagsimulang
Kumulog at kumidlat ngunit hindi
Lumalakas ang patak ng kakaunting
Ulan, Gusto kong mapapikit at iwaksi
Ang tumatakbo sa isip ko.

Ngunit nakasisigurado akong isa
Na namang section Diamond ang
Makakasagupa namin...

Sa pagkakataong ito. Hindi ko
Alam kung makakaligtas pa kami.

"Well, well...Akala ko ay naunahan na
Ako sainyo ni Garret"

Mula sa likod ng puno ay lumabas
Si Heather, Alam ko sa sarili ko na
Hindi biro ang lakas ng babaeng to.
Napakuyom ang kamao ko dahil
Sa tensiyong nararamdaman ko.

Walang sali-salita niyang itinaas ang
Palad niya at pina ulanan kami
Ng mga kidlat, sa bilis ng mga yon
Ay malabong maka iwas kami,
Tinamaan ako sa mga paa ko kaya
Matinding sakit ang bumalot sa katawan
Ko at napaka lakas na sigaw ang napa-
Kawalan ko.

"Nakakatuwa kayong panoorin!"

Patuloy parin sa pag iwas
Sila Draigh, samantalang ako ay
Isang tama na lang ay tiyak na
Ikamamatay ko,

"Heather!"

Biglang nawala ang mga kulog
At kidlat nang may biglang sumigaw
Sa di kalayuan.

"Si Isabella" Bulong ko

"Ako na po ang bahala dito,
Mag madali na po kayo sa templo"
Wika niya sa amin habang hinaharangan
Kami mula sa atake ni Heather

Naramdaman ko na lang na
Binuhat ako ni Draigh at mabilis
Silang tumakbo paitaas,
Habang papalayo kami ay naririnig
Namin ang pag sasagupaan ng mga
Kapangyarihan nila, Dumadagundong
Din ang lupa at nag ngangalit ang
Kalangitan.

Nag patuloy sila sa mabilis na
Pag takbo, Nahihiya ako kay
Draigh dahil buhat buhat niya
Ako, Hindi ko na kasi maigalaw
Pa ang mga paa ko matapos
Akong matamaan ng Charm ni
Heather.

Ngayon ay napapa isip ko,
Bakit kami nais paslangin ng
Mga section Diamonds? Bakit?

Di kalayuan ay natanaw na namin
Ang napaka laking templo na gawa
sa ginto, Papasok na sana kami
Ngunit tumilapon lang kami palabas.
Para bang may harang na bumabalot
Dito.

"Lumuhod kayo"

Isang boses ng babae ang aming
Narinig at mula sa loob ng templo
Ay lumabas ang isang napaka
Gandang babae, Naka suot ito
Ng mahabang gintong bistida at
Naka lugay ang kulay abo nitong
Buhok na umaabot hanggang bewang.

"Pasensiya na Goddess Hel,
Ngunit may kaguluhang paparating.
May humahabol sa amin" Magalang
Na tugon naman ni Aquila

"Wala akong paki alam, kamatayan
ang nag bibigay ng kapangyarihan sa
Akin, Lumuhod kayo at makaka pasok
Kayo, Sa loob ay haharap kayo sa
Salamin upang malaman ng templo
Ang pakay ninyo"

Her Charm's Revenge  (BOOK 2 of LOWC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon