Chapter 17: Vengeful Queen

98 9 10
                                    


Lauren's POV

Nasa malaking Hall ako ngayon,
Mag isang naka tayo habang hinihintay
Ang mga iresponsableng mag aaral.
Sana talaga ay hindi na ako pumayag
Na maging guro dito.
Sinong mag aakala nga naman hindi
Ba? Sinong mag aakala na reyna pa
Ang magtuturo sakanila kasama ang
Mga diyos at diyosa tapos pag hihintayin
Lang nila ako dito?!

"Wala pa sila?"

Napa tingin ako kay Draigh na biglang
Lumitaw sa tabi ko.
Nakapamulsa siya at seryoso ang mukha.

"Kung may nakikita ka ni isa sakanila
Ngayon paki sabihan ako"
Sarkastiko kong sabi bago siya irapan

Napatingin kami ng sabay nung sunod-
Sunod na magsi pasok yung mga
Section Diamond. Naka yuko at ang
Iba ay gaya ng dati parang walang
Paki-alam na mas nakakadagdag init
Ng ulo.

"M-Mahal na Reyna--"

"Shh...." Pag papatahimik ko

Ngumisi ako at nag lakad palapit.

"Sa tingin niyo ba ay ganun kayo
Kaimportante para pag hintayin kami?
Napaka dali ninyong palitan kung
Tutuusin" Seryosong wika ko

Naka yuko lang sila, naka kuyom ang
Kamao ng iba. Sino bang mali?
Mga istudyante sila ngunit hindi
Marunong mahiya!

"P-Patawad po mahal na reyna,
Pangako po na hindi na talaga mauulit"

Napatingin ako kay Isabella
Dahil sa sinabi nito bago ako
Mapa-iling iling. Mahina.

"Sa ngayon ay palalagpasin ko
Ito, maupo na kayo"

Pumunta na ulit ako sa harap katabi
Si Draigh. Kami ang mag tuturo ngayon
Sakanila. Ewan ko ba kung bakit
Siya ang nandito imbis na si Morine?

"Bilang galing kayo sa Maleficis.
Hayaan ninyong ipakilala ko ang
Enchantria" Panimula ko

"Ang Enchantria ay binubuo ng
Iisang kaharian na tinatawag na
White Castle o Ang Puting Kastilyo
Hindi kabilang ang sirang kaharian
Ng Dark Castle.
Sa Kaharian ng Enchantria ay
Bibihira ang gaya ninyong may
Elemental type of charm. Kaya kabilang
Kayo sa Section Diamond.
Asahan niyong mababawasan at
Madadagdagan pa kayo"

"Nobilities and Royalties, Sila ang nangunguna pag dating sa larangan ng
Mahika, sila ang may kakayahang makapag
Aral sa paaralang ito, ngunit kayo pa
Lamang ang nasa Section Diamond,
Huwag na sanang maulit ang pagiging
Iresponsable ninyo"

Napansin ko ang pagka bagot ng ilan
Sa kanila, hindi interesadong makinig
O ano pa man, ano bang magagawa ko?
Mga galing sila sa ibang kaharian na
Hindi ko alam kung kaaway ba o kakampi.

Nag labas ako ng nyebe sa palad ko
At patuloy ko lang itong pinapalutang
Habang tinitignan sila isa isa.

"Ang yelo,...ay isang lost elemental magic"

"Mayroong apat na natural na elemento,
Ang Apoy, Tubig, Hangin, at Lupa"

Nag palabas ako ng bawat isang elemento
Na nag papalit palit sa palad ko,
Tumingin ako kay snowbell na tulala...
Nuong naka usap ko siya ng isang beses.
Alam kong...Wala siyang mahika...
Wala siyang kahit ano...ngunit nakaka gamit
Siya ng kapangyarihan ng yelo...

Silang lahat, Nakaka gamit sila ng
Elemental Charms...

Tumingin ako kay Draigh para siya naman
Ang mag salita, alangan namang ako
Lang ang mag tuturo?

Sa Totoo lang ay dumami ang nalalaman
Ko sa mundong ito, pero anong
Pakialam ko? Pag hihiganti lang naman
Ang ugat ng pag babalik ko.

"Mahal na Reyna! Sinusugod na naman
Ng mga taong bayan ang
tapat ng academy!"

Nagulat ako nang lumitaw sa harap ko
Ang isa sa mga guro,

Kumunot ang nuo ko sa sinabi niya,
Sinusugod? Hindi parin ba matangap
Ng mga iyon na wala na sa trono
Si cort?!

Tinignan ko si Draigh at sinenyasan
Siya na bantayan ang mga istudyante,
Nag teleport agad ako patungo sa
Gate ng Academy, muntik pang may
Tumama sa aking bolang apoy!

Marahas kong itinulak ang gate para
Bumukas ito, nag iba ang aking anyo
At nag anyong diyosa sa kanilang
Harapan, nag liliyab ang aking mga
Mata sa galit dahil sa pag suway saakin
Ng aking mga nasasakupan,
Hindi parin nila ako kinikilala bilang
Reyna! Hanggang ngayon ay ramdam
Ko ang pagka suklam nila saakin!

Sa pagkakataong ito ay hindi ko
Na palalagpasin ang ginagawa nila,

Inilabas ko ang pakpak kong
Gawa sa yelo at lumipad paitaas,
Kita ko ang takot at pangangamba sa
Mukha nila, pero huli na para mag-sisi,
Itinaas ko ang aking isang kamay,
May lumabas duong bola ng kidlat,

"Mula sa araw na ito!
Hindi titigil ang pag ulan ng yelo,
Ang kulog at kidlat,
Hindi titigil ang pag lamig,
At hindi sisikat ang araw!
Ako ang diyosa ng hinaharap!
Ako lang ang makapang yayari ng
Mga ito! Ito ang parusa sa mga
Suwail na mamamayan ng puting kaharian!"

Nag liwanag ang bola ng kidlat at
Pinakawalan ko ito sa kalangitan,
Maya-maya pa ay lumakas ang ihip ng
Hangin, natakpan ng ulap ang liwanag
Ng araw at nag simulang bumuhos ang
Malakas na nyebe mula kalangitan,

Nag takbuhan na ang mga tao
At bumaba na ako sa lupa,
Nag iinit parin ang ulo ko.
Kahit kailan hindi na mawawala ang
Puot na ibinibigay saakin ng mga
Mamamayan ko, hindi na...kailanman.

"Anong nangyayari mahal na diyosa?!"

Nilingon ko ang nag salita sa likod ko,
Si Atina na hirap maka kita dahil sa
Lakas ng niyebe na bumubuhos,

"Kapag hindi niyo yan itinigil ay
Matatabunan ang buong kaharian
At mamamatay tayong lahat!"
Nag aalalang ani pa nito

"Wala akong paki alam kahit mag
yelo pa kayo, isa iyang sumpa" Malamig
Na ani ko sakaniya bago siya lagpasan

"Bato na nga ang iyong puso Lauren,
Wala kang utak! at tanging
Sarili mo lang ang iyong iniisip!"

Nag panting ang tenga ko at muli
Siyang hinarap

"Wala kang karapatan sabihin yan,
Wala kang alam atina. Mga inutil
Lang talaga kayo kaya napa sailalim
Kayo ng mahika nuong mga panahong
Iyon..."

"Siguro nga inutil kami,
Siguro nga wala kaming kwentang
Kaibigan, siguro nga ay pinabayaan ka
Namin, pero ang gawin ito sa iyong
Nasasakupan? Mas inutil ka!"

Nag liyab muli ang aking mga mata
Habang siya humahagulgol sa
Aking harapan, mas lumakas ang
Pag bagyo ng mga niyebe at namuo
Ang bolang gawa sa yelo sa aking
Palad,

"Atina! Laima!"

Dumating si Morine pero hindi
Nabawasan ang galit ko,
Inipon ko lahat ng inerhiya sa palad
Ko at ibinato yon kay atina,


"Huwag!"


Boses ni Cort ang huli kong
Narinig bago mag liwanag ang paligid




_______


































Her Charm's Revenge  (BOOK 2 of LOWC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon