Chapter 28- Distracted by Jax and Xena

11 3 0
                                    

Author's Note: Dami kong ina-update na stories tapos busy pa ako sa buhay.

Please support some of my stories City of Criminal#1- Phantom Scarlet, COC#2- Twins, Fantastic World#1- What She Said What She Gets, Missing You, Got You, Music Series#1- 4Cousins part I and II, MS#2- To The Fullest Love, The Billionaire Men's Club Series#1- Ashton Dornman, TBMC#2- Melchor Arvay & TBMC#3- Matheo Smith.

Hope you would like my stories. Enjoy reading and keep safe always.

BTW, that's Jax Stanley in the picture.

Llorraine POV:

*Bell Rings*

Hays! Thank God, finally makakapunta na rin ako sa wakas sa Dance Hall.

Nagmadali akong iligpit ang gamit ko sa bag para makapunta agad ako sa Hall bago pa ako pigilan nanaman ng Shawn na yun na bawal daw muna kasi sila Zachary lang at Eva ang pweding mag-practice.

Ha! Not anymore, Evangeline, fiancee ko na si Zachary. Napa-smirk ako sa naisip ko kaya inisang pasok ko na sa bag ko ang mga notebook ko para makalabas na.

"Raine!" Exactly nang nasa pinto na ako nang may tumawag sakin.

Napalingon ako sa likod ko. "Oh, Trixy? Hindi mo ba hahabulin ngayon si Shawnlee?" tanong ko sa kanya nang nagtatakbo siyang lumapit sakin.

"Kaya nga sasama ako ngayon papuntang Hall kasi for sure andoon nanaman yung future ko." kinikilig na sagot niya sakin kaya nagsimula na kaming maglakad.

Napangiti ako sa sinabi niya. "Inlove ka na ba sa lalaking hindi magiging sayo kasi may girlfriend na?" tanong ko habang nakatingin sa harap ng daraanan namin nang hampasin niya ang braso ko. "Aray! What's what that for?" gulat na daing ko na napatigil pa kami sa paglalakad kaya hinarap ko siya.

Nagpout siyang hinarap ako. "Ang harsh mo sakin, eh, hindi ka rin naman pinapansin ni Zachary kahit hindi pa niya girlfriend yung Eva na yun."

Ningitian ko siya kaya tinaasan niya ako ng isang kilay. "And that's what you thought. Zachary Laxamana is officially my fiancee since the other night."

Napanganga siya kaya lumapad ang ngiti ko pero bigla siyang ngumiwi saka tinalikuran ako't nagpatuloy sa paglalakad. "Imaginations mo, Llorraine, walang kasing kupas."

Nakangiting naglakad ako ng marahan pasunod sa kanya. "Kahit itanong mo pa kay Kuya." Napatigil siya sa paglalakad kaya nang nasa tabi ko na siya ay hinarap ko siya. "Small world business partners ang parents namin kaya napagplanohan ng parents namin na i-engage kami."

Gulat siyang napatingin na sakin sabay takip sa bibig niya. "Oh My God?! Seriously?"

"A-ha!" nakangiting sagot ko saka nagpatuloy sa paglalakad kaya hinabol nanaman niya ako. "Kaya yang Eva na yan kabet na yan sa paningin ng lahat once they'll all know about it."

"Kailan nyo ipapaalam sa lahat ang tungkol diyan?" tanong niya habang nakatingin sakin kahit naglalakad kami.

Ngumisi ako kahit hindi ko siya nililingon dahil nasa daan lang ang buong paningin ko. "As soon as possible."

"My gosh! Kailangan ko na rin gumawa ng action para akin na si Shawn." aniya na kinikilig nang humarap sa lobby.

"Ang una mong dapat gawin ay idespatsa yang girlfriend ni Shawn after all wala naman yang babaing yan sa Dance Hall so pwede mong landiin si Shawn doon." suggest ko pa sa kanya habang nakatingin pa rin sa daan.

MusicSeries#2- To The Fullest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon