Chapter 17- Intramurals

29 3 0
                                    

Shawn POV:

Nasa gym kaming lahat ng students ng LU dahil ngayon ang Singing Contest, Dance Contest at Cheer Dance Contest, ngayon din pipiliin ang Ms and Mr. Intramurals kalaban ang iba't ibang department.

Todo hiyawan ang lahat ng High school department nang nagsimula ang cheerdance contest sa bawat section naman ang sa kanila kaya hinanap ng mga mata ko si Pia sa mga Education kasi naka-blue T-shirt pa rin sila, 5 pieces of clothes kasi ang mga Intramurals t-shirt namin.

Nang makita ko siya ay hinanap ko naman si ate sa department nila at nakita kong sinusuyo nanaman siya ni Zeus kaya umiling nalang ako at tumayo na sa kinatatayuan ko para pumunta kay Pia.

Matagal din akong nakarating sa pwesto niya at hindi man lang niya ako napansin kasi tutok na tutok siya sa cheerdance ng mga highschool.

"Hey..." sinipat niya lang ako at ningitian kaya nakaramdam ako na talagang iniiwasan niya ako, kung hindi ko nga siya siguro tinanong tungkol kay Eva kahapon. "Are you hungry?" Umiling lang siya. "Iniiwasan mo ba ako?"

"Bakit naman kita iiwasan?" Tanong niya na hindi ako nilingon, sasagot na sana ako nang may nag-flash sa isip ko.

"Hey?"

Tawag pansin ko sa kanya habang nanunood siya ng cheerdance naming mga high school pero sinipat niya lang ako at ningitian kaya nararamdam ko na talagang may mali akong nagawa kasi ganyan siya kapag may nagawa akong hindi niya nagustohan,

"Why are you here alone? Pwede mo naman ako samahan ah." But she didn't responded. "Galit ka ba sakin?"

"Bakit naman ako magagalit?" Tanong niya na hindi ako nilingon.

"May nagawa ba akong mali?" Pangungulit ko pa sa kanya.

"Wala, Shawn." Sagot niya na yumuko pa.

Yun ang mga alalang mabilis na nagpop-up sa isip ko saka sumakit ng husto ang ulo ko kaya napahawak ako sa ulo ko at pumikit ng mariin. Ah, sh*t ang sakit!

"Shawn, bro." Biglang lapit ng apat na kaklase ko.

"Sige alis na ako, Pia, saka na tayo mag-usap." mabilis na paalam ko at lumapit sa apat na kaklase ko.

"Bakit hindi mo kami ipakilala sa kanya, bro?" Tanong ng medyo insik ang mga mata at ningitian pa si Pia na nagtatakang nakatingin sa kanila. "Hi? I'm Kaiser, and you are?"

"She's off limits, Kai, umalis na tayo dito kung anoman ang kailangan ninyo sakin." Inis na sita ko sa kanila at hinarap ang magkapatid. "Lets go, Ae, Cy."

"Kai, tara na." Hinila pa ng medyo brown ang balat si Kai.

"Okay, okay, hindi mo na ako kailangan hilain, Rain." Nakasimangot namang sagot ni Kai.

MusicSeries#2- To The Fullest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon