Chapter 34- Called by the Director

22 3 1
                                    

Author's Note: Sorry for a very late update hopefully sinusuportaan nyo pa rin ang story natu. Thank you. Lovelots❤.

Eva POV:

Kinahaponan ay pumunta kami nila Shaira sa school dahil pinatawag si Pia ni Director kaya sinamahan namin siya pero nang malaman yun nila Lance at Zeus ay sinamahan din nila kami.

Pagkarating namin sa canteen ay may kausap sa phone si Lance kaya umupo na ako sa tabi niya tuloy ay napatingin sakin si Lance. "That's good news, Mom, but I will just call you back... Yes... Okay bye." huling sagot niya sa Mom niya sa tawag bago binaba yun at nakangiting hinarap ako sabay abot ng snacks ko na binili niya. "Hi, Eva."

"Hi, Lance." bagot ko lang na sagot sa kanya saka tiningnan ang inuupoan ni Zach dati.

"Miss mo na si Zach?" biglang tanong ni Pia eksaktong kakarating lang ni Zeus na may dalang maraming snacks.

"H-Ha? Hindi no!" pagmaang-maangan ko agad sa kanya.

Tumabi si Zeus kay Lance. "Denial! May gusto ka na rin sa pinsan ko no?" tukso pa niya sakin.

"Hindi nga kasi." sagot ko saka kumuha sa snacks na nilapag niya. "Thank you."

Nawala ang ngiti niya at gulat pa siyang napatingin sa snack na binuksan ko agad. "Hoy! Hindi yan para sayo! Binigyan ka na ni Lance ah!"

"Ay hindi ba?" tanong ko lang saka kumuha ng isa para kainin yun. "Saka ko na lang babayaran wala pa akong sweldo, eh." sagot ko na sa kanya.

Napansin kong nawala ang ngiti ni Lance habang nakatingin siya samin ni Zeus. "Eva, totoo ba yung sinabi ni ate sakin na na-promote ka raw as Manager sa pinagtatrabahoan mo?" nakangiting tanong ni Pia sakin nang lingunin ko siya.

"Om." nakangiting tumatangong sagot ko sa kanya.

Pumalakpak si Zeus. "Wow! Congratulations, Eva! Grabi! magfo-4 years ka na sa Jollibee tapos ngayon ka lang na-promote? Ipabili ko na ba ang tindahang yan kay Zach, huh?"

"Hahahaha!" malakas na tawa ni Pia sa tanong ni Zeus sakin kaya natawa rin ako.

"Hahaha! Baliw! Hindi ako na-promote noon dahil hindi pa qualified ang age ko noon. Malapit na kasi ako mag 20 kaya pina-apply na akong manager." Natatawang explain ko sa kanya.

"Anong malapit na? Kaka-19 mo pa nga lang tapos malapit na? Pabatok kahit isang beses nga, Eva, please?" naasar na balik tanong niya sakin kaya natawa ulit kami ni Pia sa kanya.

"Kailan ka nagsimulang magtrabaho, Eva?" biglang singit ni Lance na seryuso ang mukhang nakatingin sakin.

"Kaka-17 ko pa lang non. Natanggap nga ako agad nang nagmakaawa ako sa manager pa namin dahil wala na akong matirhan non." nakangiting sagot ko sa kanya.

"Bakit wala? Sa pagkakaalala kong kwento ni ate Shaira sakin non ay nang pinapaalis ka ng tinitirhan ninyu ng Mama mo after niya mamatay ay kinupkop ka niya agad." tanong ni Pia sakin.

"Matagal pa kasi bago ako pumayag."

"Wait! Sa pagkakaalam ko ay malaki ang napanalonan mo non sa Singing Contest na hineld ni Tito sa Mall?"

"Yeah at gusto yun kunin lahat ng may-ari ng bahay non pero umayaw ako dahil ipambabayad ko pa yun sa burol at libing ni Mama tapos sa school uniform ko pa para dito at requirements ng mga naapplyan kong trabaho dati kaya hayun pinapalayas niya ako na naabutan ni Shaira." natawa ako nang maalala yung panahong yun. "Nagkasagutan nga sila non kaya tuloyan na akong pinalayas at gusto ni Shaira na tumira ako sa kanya pero nagmatigas pa ako ang kaso kinuha niya sakin ang maleta ko at tumakbo na paalis ang kotse niya kaya wala akong nagawa kung di ang mag-apply na lang buong araw para kausapin si Shaira pagkagabi non na pumapayag na ako. Mag-iinarte pa ba ako non, eh, wala na nga akong matirhan sa panahong yun."

MusicSeries#2- To The Fullest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon