Chapter 20- Car Racing in Commonwealth Avenue

21 3 0
                                    

Author's Note: Quick update muna si Author kasi maggo-grocery siya at dapat maaga kasi walang masakyan at baka masarhan.

Anyway, bukas na ako maga-update sa The Billionaire Men's Club Series #2- Melchor Arvay kasi kakatapos ko lang mag-update sa 4Cousins Part II.

Enjoy reading, readers:*, hope you will like this chapter.

Pia POV:

Kinagabihan, kahit kunti na lang ay maghahating na gabi ay sumama pa rin kami nila Eve at ate Shaira sa mga lalaki sa isang car racing track at napanganga ako kasi sa daan lang pala yun.

Maraming iba't ibang kotse ang andoon na obviously ay pang-racing nga tapos may mga babaing ang iiksi ng suot tapos sa itaas ay nagpapakita na ng cleavage nila.

May biglang lumapit saming hindi mabilang na lalaki at babae. "Zachary Laxamana." Bati ng lalaking may makapal na bigote saka nakipag-bro handshake kay Zach bago nilapitan si Shawn na nasa kaliwa ko. "Shawnlee Sanders." Nag-bro handshake din sila then lastly na nilapitan niya ay si Zeus. "Zepheus Klein." Ganoon din ang ginawa nila Kuya Zeus.

"Kumusta?" Tanong ng maitim ang balat tapos naka-whole black pa.

"Okay lang... long time no see?" Sagot ni Shawn sa lalaki.

"Kailangan patagalin ang race dahil sa nangyari sayo kaya nang marinig namin na bumabalik na ang alaala mo ay naisipan naming mag-racing ulit." Sagot ng lalaking may kahabaan ang bigote tapos ang laki pa ng katawan.

"Ipakilala nyo naman kami sa mga kasama nyo maliban kay Shaira dahil kilala na namin ito." Nakangiting sabi ng lalaking mahaba ang bigote.

Humawak si Zach sa bewang ni Eva kaya nakangiting inakbayan naman ako ni Shawn. "This is Eva..." nilingon ni Zach si Eva. "Eva, this are the people who build this kind of racing that Shawn, Zeus and I joined." Unang pagpapakilala ni Zach kay Eva.

Nakangiting nakipag-shake hands si Eva sa mga lalaki na Stevan, Ronnie at Enzo pala ang mga pangalan. Si Ronnie yung bumati sa tatlong lalaki, si Stevan naman yung maitim ang balat at si Enzo yung malaki ang katawan.

"This is Pia, gentlemen, ang nililigawan ko." Nakangiting pagpapakilala ni Shawn sakin sa kanila.

"Seryuso na ba yan, Shawn?" Nakangiting tanong ni Enzo kay Shawn.

"The first... and the last." Sagot lang ni Shawn sa kanila.

"What do you mean 'The first?" Tanong ni Stevan.

"My first crush and first love." Nakangiting sagot naman ni Shawn kaya napangiti ako.

Naghiyawan ang mga lalaking nakakakilala sa tatlo saka kinonggratulate si Shawn nang may lumapit na mga babae kay Zach kaya nakita kong nawala ang ngiti ni Eva pero ang lalaki ay nakipagbeso lang sa mga babaing yun at nakita ko pang bumaba ang tingin ni Eva sa kamay ni Zach na humawak sa bewang ng mga babae.

Nilapitan ko siya since tinutukso ng iba si Shawn. "You okay?" Bulong na tanong ko sa kanya.

Gulat na napalingon siya sakin pero sinipat pa niya muna si Zach na lumapit na sa mga lalaki at nakipagtuksohan na rin kay Shawn bago niya ako sinagot.

MusicSeries#2- To The Fullest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon