Chapter 45- Zeus' Disappearance

15 4 0
                                    

Shaira POV:

KINABUKASAN ay naiinis pero nalulungkot kong binaba ang Cellphone ko nang walang reply ni kahit missed calls sa cellphone ko. Kahit sa GC namin ay hindi siya nagsi-seen. Hindi ko alam kung nakauwi ba siya ng maayos kahapon pagkatapos niya akong ihatid o hindi.

"Asan ka na ba Zepheus?" Alalang tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa huling chat namin kahapon.

Honey (ako) (6:30am): Honey, I'm about to take my breakfast here. What about you?

Honey (Zeus) (6:30am): I'll be there. Let me eat you instead of real foods😋

Honey (ako) (6:30am): Baliw hahaha!

Honey (ako) (5:25pm): Nakauwi na ako. Careful driving😘. Chat me if nakauwi na ba kayo ni Zach.

Hindi na siya nag-reply dahil nagda-drive na siya papunta samin non kahapon tapos nang magkita na kami hindi na namin kailangan pang mag-chat sa isa't-isa dahil palagi ko naman siyang kasama sa school lalo na sa nangyari kay Eva at dahil wala nang klase kahapon ay pumunta naman siya ng maaga sa room ko. Kaya yang 5:25pm and so on till now ay hindi na niya ako sini-seen, hindi na rin siya nag-o-online kaya wala akong choice.

ShairalynnSanders (6:00am): Zach, nakauwi kayo ng safe ni Zeus, diba?

Online siya pero matagal-tagal bago niya binasa ang chat ko saka ako nagugulohan sa nireply niya.
ZacharyLaxamanna (6:10am): Yes, why? Is something happened?

Wala akong choice siya ang pinakamalapit kay Zeus.
ShairalynnSanders (6:11am): Kasi simula nang naihatid niya ako kahapon, e hindi niya pa rin ako nirereply-an hanggang ngayon, hindi niya rin ako sini-seen hindi rin siya nag-online except noong bago niya ako sinundo dito sa bahay.

ZacharyLaxamanna (6:15am): Let's wait till this afternoon, wala dito sila Tita, walang tao sa bahay nila.

Napahinga ako ng hangin saka tumango sa chat niya kaya nag-decide na lang akong maligo na. Kailangan ko pa ring pumasok sa ayaw o sa gusto ko dahil kailangan rin kami ngayon nila Eva at Zach dahil ngayong araw nato magsisimula ang destansya nila sa isa't-isa or rather ang paglayo ni Zach kay Eva.

Nalungkot ako sa naisip ko. Nasaktan na kahapon si Eva sa video tas masasaktan pa siya simula ngayon dahil sa paglayo ni Zach sa kanya.

Pagkatapos kong maligo ay biglang parang hinahalukay ang tiyan ko sa amoy ng CR ko kaya sumuka agad ako pagkatapos ay hinanap ko ang amoy sa CR ko at nakitang pampabango yun ng banyo ko kaya bago pa ako masuka ulit ay tinapon ko na yun sa labas.

Nang okay na kunti ang pakiramdam ko nagmadali na akong kumain na hinanda ng maid ko, hindi na inalis nila Mom ang maid nila na binigay sakin kahit umalis na si Eva sa puder ko at least daw may tumutulong sakin dito sa bahay, tinapos ko na agad ang kinakain ko dahil hindi nanaman maganda ang pakiramdam ko.

"Ma'am, Shaira, okay lang po ba kayo?" Nanghihinang tiningnan ko siya pero kinapa niya lang ang noo ko. "Hindi ka naman po nilalagnat pero sobrang putla nyo po. Ano pong pakiramdam nyo?"

Dinama ko naman ang sarili ko kung anong nararamdaman ko ngayon. "Nahihilo ako pero kailangan kami ng mga kaibigan ko ngayon kaya aalis na po ako." Mahinang paalam ko sa kanya saka tumalikod para pumunta sa kotse ko buti na lang kahit umiikot ng kunti ang paningin ko ay nakayanan kong pumunta sa kotse ko

"Hindi ka po ba susundoin ni Sir Zeus?" Alala niya pa ring tanong sakin.

"Bahala siya sa buhay niya. Tang *na niya!" Singhal ko habang kumakapit sa gate para hindi ako mabuwal sa paglalakad.

MusicSeries#2- To The Fullest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon