Chapter 35- The Truth I: Perez Family

18 3 0
                                    

Eva POV:

Acquitance Party na at ito ang pangalawang Acquitance na dumalo talaga ako sa buong event. May mga games bago ang singing contest at panghuli kaming Dance Troupe pero lahat ng games ay sinalihan ko dahil baka lapitan ako ni Zach hindi ko pa matanggap na pinili niyang manalo kesa sa magpatalo ayan tuloy ay tuloy na tuloy ang engagement nila ni Llorraine.

By 6 pm ay nagsipasokan na sa gym ang lahat ng students na sumali sa laro at nag-cheer sa mga department or section nila. Lahat excited dahil sa nabasa nilang poster sa bulletin board katabi lang ng locker room.

Andoon kasi yung magiging performance naming tatlo nila Lance, ako at... Si Zach na siyang magiging singer daw namin sa sasayawin namin. Hindi ko mapigilang kabahan kaya kinuskos ko ang dalawang hinlalaki habang nakatingin sa gawi niyang nakatingin sa mga students na pinapapasok niya at ng Dean sa gym.

Nakuha ang atensyon ko sa unang magarang kotse na pumasok sa gate nang kaunti na lang ang mga students sa labas kaya napatigil ako sa pagkuskos ng mga koko ko dahil sa kakaibang kaba lalo na nang bumaba doon ang dalawang familiar sakin.

Alam ko namang anak sila Lance at Llorraine ng mga Perez dahil pinakilala na sila last year pero yung bumaba rin siya sa kotse nila para paalalahanan siguro sila Lance at nang tumango sila Lance ay napatingin ang tingin ng lalaki sakin dahil nasa locker room lang naman ako nakatayo sa may labas ng pinto.

Napangiti siya saka kumaway sakin kaya napalunok ako nang lumingon din sila Llorraine sa gawi ko tuloy ay naibagsak ko ang mga kamay ko at pinagpawisan ako bigla ng malala. Ang titig ni Llorraine ay parang may hinahanap siya sa mukha ko habang ang titig naman niya ay parang kinakabisa ang buo kong mukha.

Kumalma ka, Eva.

Akmang lalapitan ako ni Lance pagkatapos magpaalam sa kanila ay yumuko na ako at naglakad papasok sa gym pero dumiretso ako sa banyo para maghanda dahil entertainment lang ng DT ang mauuna sunod na ang main performance namin then DT ulit bago ang disco.

Pumasok ako sa banyo para magpatampisaw sa shower nang marinig kong may naliligo rin sa katabing shower. Actually iisa lang ang banyo dito kung saan nagbibihis ang mga babae at lalaki kaya dapat pagkatapos mag-shower ay nakabihis na para walang mabastos.

"Eva..." Narinig kong tawag ni Lance sa kabilang banyo dahil siya pala ang nasa tabi kong shower.

"Mm?" Sagot ko lang sa kanya saka nagshampoo na at nagsabon agad.

"You don't look okay a while ago, are you okay?" Tanong pa niya na nasa boses nga niya ang pag-aalala kaya hindi agad ako nakasagot dahil sa dami ng iniisip ko tungkol sa nangyari kanina lang.

"Alam mo na siguro no na ang parents mo pa rin ang magiging bisita ngayong gabi ni Director Laxamanna?" Pag-iiba ko ng usapan na sana ay hindi niya napansin.

"Mm..." Sagot niya rin sa tanong ko. "Why? Does my parents' presence bothered you?"

Yun ang totoong tanong na hindi ko alam kung magsisinungaling ba ako o hindi. Dahil kung magsisinungaling ako paniguradong malalaman niyang nagsisinungaling ako pero kung magsasabi naman ako ng totoo baka tanongin niya pa ako ng bakit. At ang bakit na yan ay ayoko nang sagutin.

"H-Hindi naman..." Pagsisinungaling ko rin sa huli kaya mabilis ko nang tinapos ang pagliligo ko nang marinig kong tinigil na niya ang shower.

"You seems bothered a while ago." Sagot niya na narinig ko pa ang pagsusuot na niya ng damit. "Your expression is contradicting your answer."

Napakagat ako sa ibabang labi ko saka nagshower at pagkatapos ay nagtapis na muna ako saka ko sinunod ang pagbuhol sa buhok ko. "Naba-bothered ako kay Zach." Isa sa totoong rason ko pero hindi related sa tanong niya. "Nagugustohan ko na yata siya."

MusicSeries#2- To The Fullest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon