Chapter 2- Zepheus save the day

47 4 0
                                    

Author's Note: Meet Sophia Alcantara. Don't forget to like and comment, thank you:)

Eva POV:

"Eve... Sabay na kaya tayong pumuntang LU bukas?" Biglang silip ni Shaira mula sa kusina.

Pagkatapos kong mawalan ng malay sa harap ng nurse station last 2 months ago ay si Shaira pala talaga ang nakasalo sakin non kaya pagkatapos non ay hindi na niya ako iniwan at di ko naman napigilang maikwento sa kanyang ulila na ako dahil sa sakit na nararamdaman ko non kasi patay na ang Mama ko sa araw na yun, naospital naman daw ang kapatid niyang lalaki non kaya napasugod din siya sa ospita.

Matanda sakin ng isang taon si Shaira at nag-aaral din siya sa Laxamana University kaya lang hindi katulad ko ay mayaman siya kaya hindi na niya kailangan ng scholarship para mag-aral sa mamahaling skwelahan na yun. Nagawa nga niyang bumukod sa parents niya after ng break up nila ng Casanova daw niyang boyfriend kasi daw kaibigan daw ng kapatid niya ang pinsan ng ex niya kaya hindi daw niya kayang makita palagi ang pinsan ng ex niya sa bahay nila so heto nagpabili siya sa parents niya ng pad at pinilit niya akong umalis sa dating tinitirhan ko para samahan siyang tumira dito.

Hindi pa ako pumayag noong una kasi siya ang magbabayad sa lahat ng kailangan dito sa bahay katulad ng tubig, kuryente at pagkain namin kaya ang kailangan ko nalang raw atupagin ay ang mga daily needs ko katulad ng napkin, pabango, baon, at pamasahe sa tinatrabahoan kong fast food chain pero nang minamaltrato ako ng may-ari ng dating tinitirhan namin ni Mama at naabutan niya iyun ay sinagot niya ito dahilan para tuloyan akong palayasin doon.

Natauhan ako nang may pumitik sa harap ko. "Ang taas nanaman ng lipad ng utak mo..."

"Ah... Sorry... Ano nga ulit ang tinatanong mo?" Nahihiyang tanong ko sa kanya.

"Sabi ko sabay na tayong pumuntang LU para magpa-enroll." Sabi niya saka hinarap ang niluluto niya.

"Sige... Kailan ba?"

"Bukas nalang... Kasi ngayon daw magpapa-enroll ang kapatid ko kaya paniguradong kasama nanaman niya ang best friend niya at pinsan nitong walang magawa sa buhay kundi magpalit-palit araw-araw ng mga babae sa buhay... Tsk!"

"Bakit? Kasama ba nila palagi yang ex mo?" Usisa ko.

"Minsan oo kadalasan hindi kasi mas matanda din siya ng isang taon sa dalawang iyun."

"Ah... Sige ikaw ang bahala." Pagpayag ko sa kanya saka tinulongan siyang ihanda ang mga plato para sa mga pagkain namin.

Shaira POV:

Kinabukasan bago kami bumiyahe ni Eva papuntang Laxamana University ay chinat ko muna ang kapatid ko para makasiguro.

ShairalynnSanders: Hey, nakapag-enroll kna ba?

ShawnleeSanders: Yup, sabay kami ni Zach kahapon lng... Didn't I tell you that?

Napailing na lang ako nang parang umiinit na siguro ang ulo nito sa kakulitan ko sa kanya tungkol sa pagpapa-enroll niya.

ShairalynnSanders: Naniniguro lng... How's your head?

ShawnleeSanders: Wag ka nang paulit-ulit ate sumasakit ang ulo q sa u.

ShairalynnSanders: Ok2 take care then.

ShawnleeSanders: Same 2u.

Nag-angat ako ng tingin kay Eva na katatapos lang rin maghugas ng mga pinagkainan namin. "Lets go?" Yaya ko na sa kanya.

"Sige..." Tumatango at nakangiting sagot niya kaya lumabas na kami ng pad ko at sumakay sa kotse ko.

MusicSeries#2- To The Fullest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon