Chapter 11- Dance Showdown: Eva Vs. Zach

20 3 0
                                    

Eva POV:

Mahinang patulak akong pinatayo ng mga babaing Dance Troupe kaya kitang-kita ko ang pag-arko ng kilay ni Zach at akmang titingnan sana ang gumawa sakin non sa likod ko nang humarang ako sa paningin niya kaya napatingin siya sakin.

"Magsho-showdown tayo para mag-merge ulit ang Dance Troupe?" 'di pa rin makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Yes."

"What if matalo ako?"

"Well, then... uhm..." umiwas siya ng tingin na parang nag-iisip siya sandali saka niya ulit ako tiningnan. "You'll always be by my side no matter what and I won't hear any complaints from you."

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. "Gagawin mo kong yaya mo?"

"No! Of course not! You'll be just at my side... hmm... never mind forget about that. I'll change it." Sabi niya na parang nalilito siya kung ano ang magiging consequence kapag natalo ako. "If you lose. I'll court you." Napasinghap ang mga nakikinig samin kaya inis na nilingon iyun ni Zach then binalik ang atensyon sakin. "And I won't take 'No' for an answer."

"Ang demanding mo naman." Nakangiwing sagot ko saka napaisip sa kundesyonis niya. Kung liligawan niya ako tapos ayaw niyang hindian ko siya ibig sabihin non ay sasagotin ko pa rin siya at magiging kami na? Tiningnan ko siya mula ulo haggang paa at pabalik sa mukha niya. Hindi naman ako lugi pero una bawal ako magsyota-syota at pangalawa ayokong magkajowa ng Chicboy at Playboy or ano pang tawag ng mga tao sa kanya dahil panigurado hindi siya makukuntento sakin at masasaktan lang ako. Napabuntong-hininga ako sa naisip ko saka ko siya ningitian. "So kung mananalo ako magmi-merge ulit ang buong Dance Troupe at hindi mo na ako liligawan? Sige! Deal!" Tuwang-tuwang usal ko saka siya tinalikuran para harapin si Pia at hindi na marinig ang violent reaction niya.

"What?! No! Eva, wait----"

"Pia, pasearch ng kanta sa cellphone mo." Pagkausap ko kay Pia.

"Eva, wait, listen to me---"

Tiningnan ko si Xena. "May speaker ba tayo para sa mga kantang sasayawin ko?"

"Eva, listen----"

"Meron." Sagot ni Xena na palipat-lipat ng tingin sakin at sa likod ko.

"Eva---"

"Sige mabuti yan." Nilingon ko ulit si Pia. "Pahiram sandali ng cellphone mo ha?"

"Damn it! Listen to me, Eva!"

"Sige lang, Eve." Narinig ko pang sagot ni Pia pero nawala na ang atensyon ko sa kanya dahil sa narinig ko kay Zach.

MusicSeries#2- To The Fullest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon