Chapter 26- New faces in Dance Troupe

25 3 0
                                    

Author's Note: Meet Llorraine.

Eva POV:

Hindi na ako nakapagsalita pa pagkatapos niyang magpakilala sa harap ng buong DT nang tumayo si Xena habang hawak ang isang papel saka siya tumayo sa harap kaya bumalik sa inuupoan niya yung Lance.

"Next week Saturday na ang Acquitance Party natin at dahil merge na ulit ang buong DT kaso hindi nabago ang schedule ng buong class ay para pa rin tayong pinaghiwalay. Sa darating lang na event ang nabago kasi hindi na tayo magsho-showdown just like last year."

"Showdown?" napatingin kami kay Lance nang magtanong siya. "Anong klasing showdown ang nangyari last year?"

Napatingin kami kay Xena nang nakatitig lang siya kay Lance at parang nablangko kaya tumayo na lang ulit ako at tumabi sa kanya saka hinarap si Lance.

"Its Boys vs. Girls last year at kapag natalo ang isang grupo ay ma-minus yun sa grades nila." sagot ko na kay Lance saka tiningnan si Xena nang napayuko siya. "Ayos ka lang?" bulong ko na tanong sa kanya.

"Is there a possibility na maulit yun?" napalingon ulit kami kay Lance dahil sa tanong niya pero ningitian niya lang ako. "It seems that kind of showdown is fun and challenging."

Nagkatuwaan ang mga lalaki at may pumayag pang ibalik yun while nagsireklamo ang mga babae, takot na matalo ng mga lalaki sa dance showdown if ever na maibabalik yun.

"Hindi na yun mauulit. Nasa panganib ang grades ng mga students kung sakaling ibabalik yun." mahinahong sagot ko.

"Then the whole students here in DT must do their best to win the showdown." nakangiting sagot niya sakin saka nagcross ng mga braso.

Umiling ako. "Hindi na yun ibabalik." pagtatapos ko sa usapan namin kaya nakangiting tumango na lang siya. Hinarap ko na ulit ang lahat. "We can start our practice starting tomorrow and starting today pipili ako ng magiging leader nyo para pumili ng kanta at siyang magtuturo sa inyo sa steppings."

"Bakit pa? Eh, andiyan ka naman na ah?" Tanong ni Aemie sakin.

"Just in case na maging busy ako atleast hindi kayo reliable sakin masyado." Nakangiting sagot ko sa kanya kaya tumango na siya. "Unang leader na napili ko is si Xena." Napalingon ako kay Xena nang kumapit siya sa braso ko.

Nilapit niya bibig niya sa tenga ko. "Pakirepeat sakin ang mga in-announce mo ngayon. Distracted ako sa newbie. Ang gwapo pala niya sa malapitan parang nawala utak ko." bulong niya sakin kaya natawa ako. "Aist! Wag mo kong tawanan nakakahiya to."

"Hahaha! Umupo ka na nga lang." natatawang ani ko sa kanya.

Bumuntong-hininga muna siya saka nilingon si Lance na tinaasan lang siya ng isang kilay pero napakalalaki niya pa ring tingnan kahit ganoon kaya umiwas ng tingin si Xena sa kanya saka bumalik sa pwesto niya kanina tuloy ay natawa ako sa reaksyon ni Xena sa lalaki.

KINABUKASAN sadyang mapaglaro yata ang tadhana kasi naging magkagrupo kami ni Lance at ang nakakatawa ay kami pa ang napili bilang Mama at Papa since about Family Planning ang nabunot ni Lance, napili din siya as leader.

"Lets have a practice right after ng practice namin sa DT." pagtatapos ni Lance sa meeting namin bilang groupmates nang nagring phone niya. Tumayo siya at hinarap ang teacher namin. "Excuse me, Ma'am, I guess this is an emergency."

"Tapos na kayo mag usap ng kagroupmates mo? Kung tapos na diyan mo na lang yan sagutin." sagot ni Maam sa kanya.

"Okay, Maam." Tumatangong sagot niya saka umupo ulit at sinagot na yun. "Mom, I'm in the middle of the class. What is it?"

MusicSeries#2- To The Fullest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon