Chapter 6- Playing with Zachary's heart

36 4 0
                                    

Shaira POV:

Kinahaponan ay naisipan kong turuan na si Eva ng piano pero bago yun ay chinat ko muna ang kapatid ko para makasiguro.

ShairalynnSanders: Asan ang kaibigan mo?

Matagal bago niya binasa ang chat ko kaya naghintay muna kami ni Eva sa room niya.

ShawnleeSanders: Umuwi na dw siya, bakit?

Hindi ko na nireplyan si Shawn saka ko inaya si Eva sa music room, excited naman siyang matuto kaya pagkarating namin ay naglock ako ng pinto para walang sumilip samin dito saka ko siya sinimulang turuan. Madali naman siyang turuan kasi namemorize niya agad ang tinuro ko. Pinasubokan ko siya ng isang kanta at medyo nahirapan pa siya noong una kaya hinayaan ko siya ng ilang oras.

"Shai! Shai! Shai! Nakukuha ko na!" Tuwang-tuwang sabi niya sakin pagkalipas ng dalawang oras na pagpa-practice mag-isa sa piano.

Ngumiti ako ng malapad sa kanya. "I'm so glad to know that, Eve."

"Pwede ko bang gamitin ang phone mo, Shai? May susubokan lang akong kanta... Papanoorin ko lang sa YouTube ang kanta habang nagpa-piano ako." Pagpapa-cute niya sakin.

Ningitian ko siya. "Sure no problem."

Mabilis kong kinuha ang isa ko pang cellphone nang magsimula siyang magtipa sa piano at kumanta kaya ako vinidyuhan ko kaagad siya para may remembrance siya sa first lesson niya na nakuha naman niya agad kung paano magpiano.

Tama si Pia, ang ganda-ganda nga ng boses niya.

Hindi ko na dapat yun question-in pa kasi nga hindi siya mananalo sa mga singing at dancing contest na mga sinalihan niya kung hindi maganda ang boses niya.

Kinabukasan ay nauna akong pumasok kasi walang klase sa 7:30 si Eva, hindi ko rin siya pweding iwan ng kotse kasi hindi siya marunong magdrive wala din siyang license.

Pagkarating ko ay dumiretso ako sa Drama Club kasi may practice kami ngayon dahil sa biglaang Acquaintance Party this Saturday, mabilisan ang gagawin naming pagpractice dahil ito daw ang gusto ni Zach na bilisan ang pagi-schedule sa Acquaintance Party, excited siguro yun sa magiging resulta ng kalokohan niyang pagbubuwag ng mga lalaki at babaing Dance Troupe.

Pagkarating ko ay nagulat akong makita doon si Pia. "Hey, good morning, anong ginagawa mo dito? Ang aga-aga pa, oh?" Chinik ko wristwatch ko at 6:35a.m. pa lang.

"Hindi ako makapag-isip ng kanta sa bahay para sa ipi-perform namin this Saturday... Ate, kinakabahan ako first time ko tong hawakan ang Dance Troupe tapos minamadali pa ako ng kagroupmates kong mga babae nang mabasa nila sa Group Page ng School natin ang tungkol sa darating na Acquitance Party this Saturday!"'di mapakaling usal niya habang kakagat sa ballpen niya tapos ang daliri naman niya ang kakagatin niya.

Nilapitan ko siya at hinawakan sa magkabilang balikat niya. "Relax ka lang, Pia, hindi ka talaga makakapag-isip ng tama kapag natataranta ka."

"Kainis naman kasi si Zach, ang hilig niyang paglaruan ang mga tao ang lakas niya tayong i-manipulate." Pagmamaktol niya pero hindi nalang ako sumagot kasi tama naman siya.

Si Zachary Laxamana na kung anong gusto o naisipang gawin ay yun agad ang masusunod, hindi pweding magreklamo at hindi siya tumatanggap ng 'NO'. Kapag nag-utos siya yun agad dapat ang masusunod kaya nga nilalayo namin si Eva sa kanya lalo na sa sinabi ni Tito kahapon na si Eva nanaman ang pinupuntirya niya. Kung makikita niya si Eva ay paniguradong hindi na niya tatantanan ang babae hanggat hindi ito mapapa-sakanya.

Nang may biglang pumasok na kalokohan sa isip ko, ngumiti ako kay Pia. "Gusto mo bang makaganti kahit ngayon lang kay Zach, Pia?"

Namilog ang mga mata ni Pia nang tingnan niya ako. "Sige, ate, ano yan?"

MusicSeries#2- To The Fullest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon