Chapter 21- Movie Marathon at Dawn

36 3 0
                                    

Author's Note: Quick update as this is finally my day. Happy Birthday for myself:* thank you readers for reading my stories.

I recommend my other stories, '4Cousin Part I and Part II', 'The Billionaire Men's Club Series #1- Ashton Dornman'-patapos na ang #1 kaya pinost ko na ang synopsis ng #2.

Enjoy reading wattpaders, love you all.:*

Eva POV:

Hindi na mapuknat ang ngiti ko nang inalalayan ako ni Zach na makasakay sa passenger seat ng kotse niyang Koenigsegg CCXR Trevita.

Curious ba kayo kung paano ko nakilala ang mga kotse nila? Pinakilala ni Zach sakin ang mga kotse nila at nalaman ko ring milyunes ang halaga ng mga kotse nila pero dahil hindi suportado ng parents nila ang bisyo nilang ito ay nakuha lang nila ang mga kotse nila sa pagkapanalo nila dito sa racing track.

"Huu!" Natatawa pero kinakabahang usal ko nang makapasok na sa kotse niya si Zach.

Nakangiting in-start ni Zach ang kotse at sinipat pa muna ako. "Don't be nervous. I need you to chill because with you at my side at this moment makes me feel nervous already so I need you to feel cool and be my strength."

Parang bola na nawala bigla ang kaba ko sa sinabi niya sakin at napalitan yun ng kakaibang kiliti sa puso ko dahilan para maiwan ang ngiti ko sa labi at mawala na ng tuloyan ang kabang nararamdaman ko.

Pinaandar na ni Zach ang kotse niya at nakita kong pumwesto siya sa ikatlong hanay kaya para kaming nasa gitna ng mga magkakakarera saka niya binuksan ang window shield niya at lumingon sa kaliwa kaya napalingon din ako doon at binuksan na rin ang window shield sa gilid ko.

"What prize do you like to get if you win?" Tanong ni Stevan doon sa kaliwa.

"I want sex!" Sagot ng nasa tabi niya at pinakauna.

"I want the money." Sagot ng nasa tabi namin na nasa kanan o pang-apat na hanay.

"I want the available car." Sagot ng nasa kaliwa namin at ikalawang hanay.

"I want the money for party!" Sagot ng panglima.

"I want the Ferrari LaFerrari." Sagot ng pang-anim kaya sabay kaming napalingon ni Zach sa taong yun.

"Diba yan yung pinili mo?" Tanong ko kay Zach.

"Yeah." Seryusong sagot ni Zach na sinilip ang taong yun dahil nakatayo siya sa gilid ng kotse niya.

"The Ferrari is already reserved, Lance." Sagot ni Stevan sa lalaki.

"Oh? But what if I win yun pa rin ang gusto ko." Matigas na sagot ng lalaki na nagngangalang Lance daw.

Parang bumalik ang kaba ko dahil mukhang disidido ang lalaking yun na manalo kaya nilingon ko na lang si Zach kaya lang ay lumingon naman siya kay Stevan na matamang nakatitig sa kanya saka sila nagtanguan at sinara na ni Zach ang window shield ng kotse niya kaya ganoon na rin ang ginawa ko.

"Zach?" Kinakabahang tawag ko sa kanya nang seryusong nakatingin siya sa harap.

Napatingin pa ako sa kanan ko nang dumaan na ang sexy na babae para pumwesto sa harap. "I really don't care about winning the car, Eva." Napatingin ulit ako kay Zach dahil sa sinabi niya pero seryuso lang siyang nakatuon sa harap niya at mahigpit na humawak sa manibela ng kotse niya. "But I am eager to get the car for you."

MusicSeries#2- To The Fullest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon