Chapter 52- "Will You Grow Old With Me?"

12 4 0
                                    

Author's Note: Minamadali ko na to bago kunin ang Cellphone dahil baka matagalan nanaman ako sa pag-update.

PS. Magpo-focus na ako sa main characters ko para matapos na this:) enjoy reading😘

March 25.

Eva POV:

"Eve, anak mauuna na kami sa school, huh?" Sigaw ni Dad pagkatapos niyang kumatok sa kwarto ko.

"Okay po, Dad. Magpapasundo na lang ako kay Shaira since ayaw nyo pa po akong mag-drive." Sigaw ko pabalik kay Dad habang namimili ng susuotin ko ngayong araw.

"Yes, kakalabas mo lang kahapon kaya wag matigas ang ulo, huh?" Hirit pa ni Dad hindi tuloy ako makapag-concentrate sa pamimili ng damit.

"Opo, Dad! Chat me na lang po kung saan kayo banda sa gym." Sigaw ko pabalik saka kinuha ang white sleeveless dress ko. "Ito na lang." Sabi ko sa sarili ko at dahil hindi na sumagot si Dad ibig sabihin umalis na siya. "Narinig niya kaya ako?" Kunut-noong tanong ko sa sarili ko saka nagsimulang magbihis dahil icha-chat ko na lang si Dad kung saan sila banda.

Hindi ko na kailangan magsuot ng bra dahil may padding naman yung mukhang bra ang style sa itaas with its spaghetti strap buti na lang at may telang magtatakip sa tiyan ko tas namumukadkad na white skirt sa ibaba nitong hanggang sa tuhod ko ang haba. At dahil graduation nila Kuya ay andoon panigurado si Raine kaya wala akong choice nagsuot na ako ng gold na parang sandals ni Cinderella pero wala yung design plain gold lang yun na 3 inches killer heels ang haba tas may lock sa gilid. Tinatawagan ko si Shaira habang namimili ako ng sling bag ko buti na lang at sumagot agad siya.

[Hello, Eve, kumusta?]

[Eb? Ish det Tita Eb, mommy?] Narinig ko namang tanong agad ni Shayden sa mom niya na mukhang malapit lang sa phone.

[Yes, son, so bumaba ka muna't mag-breakfast. Pagbalik mo Mommy is ready to go to your Tito Shawn at Tito Zach's graduation.] Narinig ko pang utos ni Shaira na mukhang nakakandong pala si Shayden sa kaniya pero kinuha ko na lang ang white metal sling bag ko habang nakaipit sa balikat at tenga ko ang Cellphone ko. [Zeus! Call your son!] Sigaw bigla ni Shaira tuloy ay napalayo ako sa tenga at nahulog ang Cellphone ko.

"Shocks!" Gulat na bulalas ko nang makitang may crack na yun pero dahil sa tempered glass lang ay nakahinga ako kaya binalik ko na yun sa tenga ko.

[Eve? Are you there? Is something happened?] Alala nang sunud-sunod na tanong ni Shaira sa kabilang linya.

"Ah, yes, nahulog lang ang Cellphone ko." Sagot ko sa kanya saka mabilis na nilabas sa bag pack ko ang wireless white Bluetooth headset ko. "Teka lang, Shai, huh?" Paalam ko sa kanya na hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil nilayo ko na sa tenga ang phone ko para i-connect ang Bluetooth ko sa phone sa Bluetooth headset ko saka nilagay sa bag ko ang Cellphone ko then ang headset sa bawat tenga ko. "Hello, Shai?"

[Yes, so may problema ka ba? I'm worried why you called me so sudden.]

"Kasi... Walang maghahatid sakin dahil umalis ng maaga sila Dad para makapaghanda pa daw si Kuya sa school tas bawal pa akong mag-drive, eh, sinabihan ko na rin naman si Zach na wag na niya akong sundoin dahil baka ma-late siya, eh, siya pa naman ang magbibigay ng speech ngayon as the owner of LU." Paliwanag ko na sa kanya habang sini-centipede ang kunting buhok ko saka bawat gilid.

Saka ko binuhol ang buong buhok ko sa gitna at para sa ending ay inikot-ikot ko yung mga senimtipede kong mga buhok sa nakabuhol kong buhok sa gitna saka ako nag-smile na nag-peace pa sa harap ng salamin nang biglang kumirot ng kunti ang likod kung saan ako tinamaan ng bala na tandang-tanda ko pa. Hindi ko tuloy narinig ang sagot ni Shaira dahil kinabahan ako bigla.

MusicSeries#2- To The Fullest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon