Chapter 8- King of Casanovas

24 4 0
                                    

Eva POV:

Gustohin ko mang kulitin sila Shaira tungkol sa lalaking humabol samin kahapon ay di ko na ginawa kasi parang pagod bumuka ang bibig ko ngayon at alam ko kung bakit ganito ang mood ko... Dahil patapos na ang period ko, weird kasi sa last two days ng period ko nawawala ang mood ko at kapag nagsalita ako ay masasakit na salita ang lumalabas sa bibig ko kaya mas gusto kong tumahimik nalang kesa makapanakit ng damdamin sa ibang tao.

Last month kasi ay napagsalitaan ko si Shaira ng mga nakakainsulto kaya kahit hindi pa humuhupa ang inis ko non ay nag-sorry na agad ako sa kanya at sinabing ganito talaga ako kapag patapos na ang period ko, nagpapasalamat naman ako at nagpigil din siya ng galit non dahil sa biglang asal ko kaya hindi kami nag-away.

Wala pang 8:30 ay nasa room na ako nang pumasok si Shawnlee na kunut na kunut ang noo. Nag-away ba sila ni Shaira? Wala naman nasabi sakin ang babaing yun.

Pagkaupo niya ay hinarap ko agad siya kaya medyo napaurong siya sa inuupoan niya pagkalingon niya sakin. "Bakit nanaman?!"

"Wala pa nga akong sinasabi ganyan na agad ang tinatanong mo?" taas isang kilay na sita ko sa kanya kaya tinitigan niya lang ako ng masama. "Nag-away ba kayo ni Shaira?"

Napakunut-noo siya. "Hindi naman, bakit mo natanong?"

"Eh, bakit nakabusangot yang pagmumukha mo kung ganun?" Kunut-noong tanong ko sa kanya.

"Eh, may topak yata ang kaibigan ko... Simula nang malaman niyang isa sa mga kaibigan ni ate ang babaing hinahanap niya hinintay niya talaga si ate sa parking lot at sinundan pa sa room kanina ako tuloy ang napagalitan ni ate." Pabagsak niyang nilapag sa lamesa ang papel at lapis niyang kinuha niya sa bag.

"Bobo ba yang kaibigan mo?"

Nanlalaki ang mga matang tiningnan niya ako. "Hoy! Ikaw lang ang tumawag kay Zach na bobo, ah!"

"Kung hindi siya bobo diba anak siya ng may ari nitong LU? Kung may hinahanap naman pala siyang babae bakit hindi niya pina-paging?" Kunut-noong tanong ko sa kanya.

Tiningnan niya ang kabuuan ko. "Ang taray mo ngayon ha? Pero about that pinautos na niyang i-paging yan pero wala akong narinig na nag-paging nakalimutan na nga rin namin sa sobrang busy namin sa practice."

"Ah... Baka pinagbawalan ng Daddy niyang sundin ang ganoong utos ng anak niya." Tumatangong sagot ko saka tumingin sa harap kung saan nag-iintroduction si Miss para sa magre-report next week.

"Ganun na nga siguro ang nangyari."

Hindi ko na sinagot si Shawnlee dahil tungkol lang pala sa kaibigan niya ang pinu-problema niya, akala ko may problema na sa family nila o sa ex ni Shaira edi machichismissan ko sana yun pag-uwi. Para kahit papano magaan naman ang atmosphere namin sa bahay kapag ganito ang mood ko.

Napabuntong-hininga nalang ako nang maisip kong nahalata din pala ni Shawn ang ugali ko ngayon, tuloy parang mas gusto ko nalang tumahimik kesa magsalita dahil baka kung anu-anong salita ang lalabas sa bibig ko.

Maya-maya din ay natapos na si Miss sa introduction oras na din para lumipat ng room si Shawn kaya iba nanaman ang katabi ko. Ganun pa rin ang ginawa ni Miss sa iba pa niyang subjects sakin hanggang sa magtanghalian na ay lumabas na rin sa room ang mga kaklase ko, pati si Miss kaya ako nalang mag-isa dito. Talagang tinatamad ako, eh, kaya nagbaon ako para hindi na ako pumuntang cafeteria, si Shaira nalang bahalang mag-explain kay Pia.

Pagkatapos kong kumain sa loob ng room ay natulog lang ako sa lamesa ko at nagising lang ako nang may umuuga sakin. "Suarez, gising andiyan na si Sir."

MusicSeries#2- To The Fullest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon