Chapter 36- "Welcome Home, Evangeline!"

15 4 0
                                    

Eva POV:

"Akala ko po. Hindi ko na po kayo matatawag na Papa." Naiiyak ko pa ring sabi kay Papa habang naglalakad na kami palabas doon. Sa likod kami dumaan dahil nagpatuloy ang disco sa loob ng gym pero hindi na namin namataan ang mga Laxamanna.

Nag-aalalang tiningnan ako nila Papa at Mom pero hinawakan ni Mom ang kamay ko at si Papa ang nagtanong sakin nang nasa kotse na kami ni Lance pauwi sa pad ni Shaira at dahil nasa passenger seat si Llorraine ay katabi ko sila Papa.

"Why is that so, anak?" Tanong ni Papa.

"Kasi nang napag-usapan kayo ni Director noong gumawa kami ng project sa mansion nila nalaman kong may pamilya ka na pala, Papa. Kaya inisip kong hindi na kita dapat gulohin dahil baka magkagulo kayo kapag nalaman nila na may... Anak ka sa labas." Humina ang boses ko nang sabihin ko yung mga huling sinabi ko.

"I'm sorry kung pinatagal namin ang paglapit namin sayo." Sagot ni Papa sakin. "Ganyan tuloy ang iniisip mo."

"Simula ngayon, Eve anak, wag mong isipin na anak ka sa labas, okay? Eugeine, ikaw na ang kumilos para mapalitan ASAP ang surname ni Eva." Sabi naman ni Mom na nilingon pa si Papa sa tabi ko dahil napapagitnaan nila ako kaya gusto ko nanamang matuwa sa tuwa nang pumayag si Papa sa gusto ni Mom.

Pagkarating namin sa pad ni Shaira ay alaala ko silang nilingon habang hawak ko na ang gate namin pagkatapos kong kumatok. "Dito nga pala ako tumutuloy. Hindi pa to alam ni... Kuya Lance kaya alam kong ngayon lang kayo nakapunta rito." Pagtingin ko kay Kuya Lance, medyo parang naninibago pa ako sa pagtawag ko sa kanya pero masarap naman sa pakiramdam na may kapatid ka, ay ningitian ako ni Kuya Lance.

"We just want to talk to your friend and check also your place even though it is safe before we came here it is better to double check it." Sagot ni Papa sakin nang tumunog na ang gate na binubuksan na ako ni Nanay mula sa loob.

"Magandang... Gabi, Eva at... Sino sila, hija?" Gulat na tanong ni Nanay nang mapagbuksan kami. "Wala pa si Shaira parang hinahanap ka niya doon sa school nyo dahil tumawag siya kanina at nagtatanong tungkol sayo kung umuwi ka na raw ba?" Paliwanag ni Nanay sakin.

"Pasensya na, Nay, pwede po bang ikaw na lang po ang magsabi sa kanyang umuwi na ako? Nakalimutan kong i-check ang Cellphone ko, eh." Nahihiyang hingi ko sa kanya nang tumango siya ay nilingon ko sila Papa. "Pasok po kayo." Aya ko saka naunang pumasok para papasokin sila nagugulohan naman akong tiningnan ni Nanay kaya ningitian ko siya. "Pamilya ko po, Nay. Pasok po muna tayo saka ko po iku-kwento."

"Sige, hija." Pagpayag ni Nanay saka sumunod kina Papa na nakapasok na sa loob kaya sinara ko na ang gate namin.

Pagkapasok ko ay nakita kong chini-check nila Papa at Kuya ang buong paligid kahit ang mga gamit pero hindi na sila lumabas sa garden at umakyat sa itaas habang naka-upo sila Mom at Raine na naka de kuatro pa ang bunso namin na nilibot rin ang buong paningin.

Napatingin si Mom sakin kaya umupo ako sa tabi niya since pang-apatan ang sofa ni Shaira nato. "Sino yun? Bakit mo siya tinawag na Nanay?"

"Ah, si Nanay Martha po ang kasambahay na pinadala ng parents nila Shaira pagkatapos malaman na dalawa pala kami dito ni Shaira ang nakatira." Nakangiting paliwanag ko sa kanila nang dumating na si Nanay at inilapag ang dala niya sa tray na juice. "Tulongan na po kita, Nay."

"Naku wag na, hija, isang tray na lang naman ang babalikan ko doon sa kusina." Pagpigil ni Nanay sakin kaya napatigil ako sa akmang pagtayo ko.

"Llorraine anak." Tawag ni Mom sa kanya na nilingon pa si Raine sa tabi niya.

MusicSeries#2- To The Fullest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon