Chapter 38- The Truth III: Trixy and Raine

11 4 0
                                    

Eva POV:

Nagyakapan kaming tatlo sa sobrang tuwa saka namin niyakap sila Papa at Mom na natawa at natutuwa para samin. Pagkakalas namin ay hinawakan ni Mom ang mga kamay ko saka madamdaming hinaplos ang pisngi ko.

"According to the lawyer. For sure one of the days of your Intramurals is the day that the process of changing your surname is also done." Nakangiting sabi ni Papa sakin kaya natigilan ako sa good news na yun saka napangiti at naiyak sa tuwa!

"Talaga po?" Tanong naman ni Raine bago ako makapagsalita.

Natutuwang nilingon nila Papa sila Kuya saka nakangiting tumango. "Kunti na lang ang pagtitiis at maisisigaw ko na sa mundo na kapatid kita." Excited namang sabi ni Kuya sakin kaya naiiyak talaga ako sa tuwa.

Niyakap naman ako ni Raine. "Ako rin, ate. Gusto kong isigaw sa buong campus na may Kuya na nga akong almost perfect ay may Ate pa akong sobraaaang bait!"

Na-touch kaming lahat sa sinabi ni Raine kaya niyakap kami ni Kuya at sunod sila Mom at Papa habang natatawa. Sunod namang hinarap niya Mom ay si Raine. "Dalhin mo bukas yang crush mo, huh? We wanna know him what made our youngest beautiful baby girl fell for him."

"Yes po, Mom! He's a nice man, sweet and joker." Tuwang-tuwa namang sagot ni Raine kina Mom nang maisipan ko nang i-check ang phone ko.

ZacharyLaxamanna: I know that place I'll just prepare to go there.
ZacharyLaxamanna: Are you busy? Chat me if I should go there already.

SophiaAlcantara: Sa Cal Restaurant daw tayo magkita if mag-go-go signal ka nang pumunta na tayo doon.

ShairalynnSanders: Let's meet at Cal Restaurant and inform me if you're ready to leave home already.

XenaPascual: Huh?
XenaPascual: Bakit?
XenaPascual: Sige saan at anong oras?

Tiningnan ko muna si Raine dahil nagpapaalam na sila Papa na magpapahinga na dahil pagod sila pareho so we bid goodbye and goodnight to them with a kiss on their cheeks saka ko nireplyan si Xena sa location na sinabi ni Shaira.

Pagkaakyat nila Mom ay hinarap ako ni Raine at mabilisan akong pinsadahan ng tingin. I'm currently wearing a short shorts color sky blue na pinaresan ko ng big t-shirt. Big kasi hindi siya loose T-shirt.

"Change clothes, ate." Sabi na nga niya sakin kaya tumango ako sa kanya. "I'll inform Jax for a while to fetch me." Sabi din niya agad at kinuha ang phone niya na nasa ibabaw ng lamesa.

Chinat ko naman sa lahat na papunta na ako pero si Zach ay sinabihan ko siyang pumunta sa Block 3 at pinakadulong bahay na kulay light yellow saka kami sabay na umakyat ni Raine since nagpatuloy na si Kuya sa business niya.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay mabilis akong namili ng susuotin at dahil tinuroan na ako ni Raine since last month kung paano pumili na ako na lang ay kaya ko nang mag-isa saka napaisip na desenteng Restaurant ang event pero mag-uusap lang kami sa gulo na nangyayari saming lahat kaya ang kinuha ko ay ang white fitted T-shirt tas in-insert ko siya sa taong skirt ko bago ako naglagay belt kahit hindi kailangan pero para lang yun stylish tingnan. Sunod ay nag-spray ako ng tatlong beses sa Victoria Secret bago ko tiningnan ang mukha ko sa salamin. Naglagay ako ng kunting lip gloss then brinaid ang buhok ko sa bawat gilid para ipang-abot yun sa likod at gitna ng ulo ko. Nang matapos ako sa lahat ay nilipat ko ang kunting gamit ko sa sling bag na white rin saka ako lumapit sa shoe cabinet at kinuha ang sandals na may 1 inches ang haba lang ng heels then lumabas na ako at nag-lock.

Pagkatapos kong maglock ay naglakad na ako papunta sa hagdan eksaktong lumabas na rin si Raine sa kwarto niya. Pagkakita niya sakin ay pinasadahan niya ako ng tingin bago siya napangiti at tinanguan pa ako. Nakangiti ko namang tiningnan ang kabuoan niya.

MusicSeries#2- To The Fullest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon