Chapter 49- Lights, Camera, Drama! (II)

10 4 0
                                    

Eva POV:

"Very well. Ball pen mga boys!" Natatawang utos pa ni Gina sa mga taohan niya saka naman naglabas ng blue ball pen yung taohan niyang may dala kanina ng bowl na mainit pa. "Are you stupid?! Ba't blue to?" Singhal pa niya nang makita ang blue ball pen na abot ng taohan niyang nasa kanan ko.

"Eh, wala akong ibang dalang ballpen, ma'am." Nakayuko namang sagot ng taohan niya.

"Stupid!" Singhal pa ulit ni Gina dito.

"That's okay. I'll tell the board of directors that I accepted your penmanship than the color of the pen you used." Sabi naman ni Zach sa kanya. "So now. Let Eva go, Gina."

Nakangiti munang pinirmahan ni Gina ang mga papeles saka niya yun binalik sa brown envelope bago niya yun inabot sa taohan niyang nasa likod niya kaya mabilis na tinanggap ng lalaking nasa likod niya yung envelope nang biglang naglabas ng baril yung dalawa na nasa bawat gilid ni Gina at tinutok yun sakin at kay Zach kaya napasinghap ako at kinabahan ng husto.

Tumayo naman na bigla si Gina kaya mabilis na inalis ng taohan ni Gina na nasa likod niya ang upoan at tinapon yun sa kanang bahagi kaya tumama yun sa sementadong dingding at agad nabali ang isang paa ng upoan kaya napalunok ako.

"Now, that everything is getting into my hands. You should have bid goodbye to your father this day, Zachary. Or okay lang na hindi ka nagpaalam sa kanya dahil isusunod ko rin naman siya pagkatapos ko sayo." Nakangising sabi ni Gina kaya parang pinagpawisan ako bigla. "So dapat si Eva ang nagpaalam kanina sa mga magulang at kapatid niya."

"Why are you doing this? Nasa sayo na ang kayamanan namin! Ano pa bang gusto mo?!" Galit na tanong ni Zach sa kanya mula sa likod ko.

"Bakit? Hmm... Para wala nang hahadlang sakin. Sisigurohin kong kapag pinatay ko na kayong dalawa ay hindi ako paghihinalaang ako ang pumatay sa inyo. Magaling ako diyan hahahaha!" Baliw na natatawang sabi pa niya samin kaya kinabahan ako kung ano nang gagawin nila Shaira.

Parang dininig naman ako nang langit nang sa wakas ay lumabas na sa pinagtataguan nila sila Shawn dahil bigla silang lumabas mula sa kurtina at sinipa nila ni Zeus yung may hawak ng brown envelope tuloy ay nagulat si Gina na napatingin sa gawi nila mabilis naman akong pinakawalan ni Zach mula sa pagkakatali.

Hindi makapaniwala at nagugulohan pa niyang tiningnan ang dalawang taohan na nasa bawat gilid niya nang sa kaniya na tinutok ng mga to ang mga baril na hawak nila sunod ay biglang nag-off yung wall sa kaliwa ko kaya nang binaba yun ng kung sino para siguro itago na ay hindi ko mapigilang matuwa ng husto nang makita ang mga parents naming lahat, ang mga police na nakatutok na ang baril kay Gina, Llorraine, Pia at kahit si Director na alam kong hindi naman siya na-poison ni Gina.

"What the hell's going on?" Nagugulohan at kinakabahang tanong na ni Gina nang lumabas na rin sa likod ng kurtina sila Kuya at Xena at Shaira.

"Please sit down, Gina Balesteros, we want you to watch a movie we filmed first." Seryusong sabi naman ni Shaira sa kanya saka niya pinlay ang projector na nasa likod nila Llorraine at itaas ng bubong kung nasaan si Jax kaya may videos na tumama sa wall at harap ni Gina.

Napatakip ako sa bibig ko nang makita ko doon ang pinost ni Gina sa Freedom Wall tungkol sakin noong September at after exactly ko matapos yung basahin ay may video na lumabas kung saan kami nag-uusap noon ni Gina sa Laxamanna's Dish at rinig na rinig doon ang pinag-usapan namin ni Gina!

I decided to start taking videos of my friends whereabouts since the day that Gina Balesteros admitted that she's the one who posted that on our school's Freedom Wall
-Sophia Alcantara.

MusicSeries#2- To The Fullest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon