Chapter 31- Eva and Zach's Dance Performance

12 3 0
                                    

Eva POV:

Habang hinihintay ng lahat ng pumwesto si Zach sa gitna ay lumipat ako sa inupoan ni Zach para makausap si Shawn. "Pssst." walang expression niya akong nilingon kaya ningitian ko siya. "Pahingi singko kahit pangkape lang, Sir." panggagaya ko sa mga babaing nadaraanan ko.

Napakunut-noo siya saka umiling. "Baliw. Kapag maririnig ka ni Zach niyan ako ang malalagot sayo." Aniya saka humarap sa gitna ng gym.

Napatingin na din ako sa gitna nang pumalakpak, naghiyawan at nagtilian ang lahat ng estudyante dahil naglalakad na pala papunta sa gitna si Zach. Pagkarating niya'y binigyan siya ng emcee ng mic saka ko narinig na ang music na kakantahin niya.

(Now Playing: Angels Brought Me Here by: Guy Sebastian.)

"Ohhh! It's been a long and winding journey,

But I'm finally here tonight

Picking up the pieces,

And walking back into the light

Into the sunset of your glory,

Where my heart and future lies

There's nothing like that feeling,

When I look into your eyes..."

Kakausapin ko sana si Shawn tungkol sa inaasal niya lately at kung bakit siya pa ang may ganang magalit kay Pia nang pagsisimulang kumanta ni Zach ay bumilis ang tibok ng puso ko at titig na titig pa siya sakin.

"My dreams came true,

When I found you

I found you,

My miracle..."

Nagtitigan lang kaming dalawa habang kumakanta siya sa ibaba tuloy hindi ko na alam kung naghihiyawan pa ba ang lahat habang kumakanta siya o hindi na dahil parang siya na lang kasi ang nakikita't naririnig ko sa gym.

"If you could see,

What I see,

That you're the answer to my prayers." tinuro pa niya ako kaya napalunok na ako nang sasabog na yata ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito.

"And if you could feel,

The tenderness I feel

You would know,

It would be clear,

That angels brought me here..."

Ang ganda talaga ng boses niya. Nakakahipnotismo. Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib kng sobrang bilis pa rin kung tumibok para sa kanya.

"Standing here before you,

Feels like I've been born again

Every breath is your love,

Every heartbeat speaks your name..."

Lumamlam ang mga mata kong nakatitig sa kanya sa ibaba ng kinauupoan namin ni Shawn. "Zachary Laxamana..."

MusicSeries#2- To The Fullest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon