Chapter 25- New Classmate

35 3 0
                                    

Author's Note: Sorry sobrang late ng update ko nakalimutan ko kasi ang date kung kailan ako magu-update.

Eva POV:

Lumipas ang buwan na naghahanda na kami sa pagiging 2nd year College namin while sila Zeus at Shaira naman ay sa pagiging 3rd year College nila pero hindi naman kami naghihiwalay tatlo ngayong enrollment.

Nang matapos kami sa page-enroll ay tumambay muna kami sa cafeteria dahil patapos na rin silang Zach sa page-enroll nila. Na-late kasi sila ng dating though sabay si Shawn at Pia na dumating dito ay hinintay pa rin ni Shawn ang mga kaibigan niya.

Kumakain kami ng bananaque while buko juice ang ininum namin ni Pia dahil tropicana kay Shaira nang haraping ako ni Pia. "Eve, I have something to tell you nga pala."

Nilunok ko muna kinakain ko saka ko siya nilingon. "Hmm... Ano yun?"

"Lilipat na ako sa Photo Club kaya gusto ko sanang ikaw na ang maging leader ng Dance Troupe." Mahinang sagot niya sakin.

Napakunut-noong nakatingin si Shaira sa kanya. "Bakit naman biglaan yan?"

"Hindi ko talaga feel ang pagiging leader kahit anong best ang gawin ko di ko kaya." Malungkot na aniya kay Shaira.

"Gusto mo ba yang Photo Club na sinalihan mo?" Seryusong tanong ko sa kanya.

Ngumiti na siyang nakatingin sakin saka siya tumango. "Oo. Yun kasi talaga ang gusto ko, eh."

Ningitian ko na siya. "Kung ganoon edi sige."

"But, Pia, always remember na hindi porkit tinanggap ni Eve yan ay ibig sabihin na hindi nababagay sayo ang pagiging leader ng DT." Sabat ulit ni Shaira sa usapan namin.

Tumango si Pia na lumingon kay Shaira. "Tatandaan ko yan, ate."

"Hey!" Napalingon kami sa entrance ng cafeteria nang marinig namin ang sigaw ni Shawn nang may makabanggaan siya. "What the! Hindi ka nag-iingat, ah?"

"Pasensya na." Humihingi ng paumanhin na sagot agad ng lalaki.

"Hey, you're that guy who also wants the Ferrari that I won last car racing, right?" Tanong naman ni Zach sa lalaki.

Ngumiti ang lalaki kay Zach. "Yeah, that was me." Nakita kong napatingin ang lalaki kay Zeus na nakatingin samin kaya lumingon siya samin.

Napansin ko ang bilis ng kilos ng mga mata niya na una niyang tiningnan ay si Shaira sunod ay si Pia pero nang ako na ang tinitigan niya ay hindi na niya inalis ang paningin sakin kaya di ko rin maiwasang makipagtitigan sa kanya.

Anong akala niya di ko kayang makipagtitigan? Kaya ko rin yun no!

Nang bigla siyang tinulak ni Zach kaya napaiwas siya ng tingin sakin at napatayo kami dito. "What the---"

"What are you looking at, huh?" Galit na tanong pa ni Zach sa kanya.

Galit na hinarap ng lalaki si Zach kaya mabilis na tumayo kami dito para lapitan sila at awatin kasi pinapanood lang ng dalawa si Zach at ang lalaki na parang anomang oras ay mag-aaway na.

"What's your problem, dude?" Galit na tanong ng lalaki kay Zach.

Mabilis na pumagitna ako sa kanila. "Hey, hey, ano bang pinag-aawayan nyo?" Nagugulohang tanong ko sa kanila. Mabilis na hinila ako ni Zach palapit sa kanya nang titingnan na sana ako ng lalaki. "Zach, anong problema?" Tanong ko pa sa kanya.

MusicSeries#2- To The Fullest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon