05 #Happy Family

2.4K 98 11
                                    

Nagising ako sa isang kwarto na punong puno ng pink and white stuffs. Anong lugar to?? don't tell me nasa langit na ako??

Wala akong ideya kung anong nangyari sakin at sigurado akong wala ako sa bahay ko. Bumangon ako sa pagkakahiga ko at  pinagmasdan ko ang kabuuan ng lugar. Tumayo ako at hahawakan ko na sana yung doorknob ng may marinig akong kung anong ingay.








*Yawn*








Ano yun?? Dahan dahan akong napatingin ako sa likuran ko, biglang umangat yung kumot. Ano yun?? May multo ba dito? Pumwesto ako na parang handa na akong manuntok pero bigla siyang umunat kaya nahulog yung kumot.









"Ikaw na naman?!"









Kinusot niya ang mga mata niya saka siya tumingin sakin na para bang kinikilala pa niya ako. Ilang segundo pa ang nakalipas ay nakabawi din siya sa pagtitig niya sakin.








"Good morning Red. Kumusta yung tulog mo?"








"Anong ginagawa mo dito? Bakit nandito ka na naman?" Iritableng tanong ko sakanya.









"Anong ginagawa ko dito?? Hmmh.. Ano nga ba??" Nag isip pa siya at nakatitig lang sakin. "Ah nandito ako kasi natulog ako. Kasi kwarto ko to."










Lumakad siya palapit sakin pero nilampasan niya ako.












"Papasok ka sa sa bathroom?"










Agad ko namang nabitawan yung doorknob na hawak ko. Papunta pala yun sa bathroom.












"Mauna na ako ha. Naiihi na kasi ako." Saka na siya pumasok ng bathroom.













Anong sabi niya?? nandito ako sa bahay niya?

Saka ko lang naalala yung nangyari kagabi. Sinadya niya siguro yung pagkakuryente sakin. Kinatok ko siya sa bathroom para sermonan sa ginawa niyang kalokohan kagabi pero bigla namang may kumatok dun sa kabilang pintuan, pagbukas nun ay may isang mejo may edad na babae ang pumasok.














"Magandang umaga hijo. Halina kayo sa baba at kakain na tayo."












Huh?? Ako ba yung kausap niya?? Natulala ako ng ilang segundo dahil sa pagkagulat. Magpapaliwanag sana ako na wala akong ginawang masama pero may isa pang may ka edaran na lalaki ang dumating at inaya kami para sa almusal. Ang tagal namang lumabas ni Eng-eng. Baka mamaya i murder ako dito.

Palabas na ako ng kwarto nang marinig ko siya na nag susuka. Napa tingin ako sa may bathroom pero hinila na ako ng matandang lalako palabas.













"Huwag kang matakot hijo. Susunod na lang si Aaliyah sa baba." Sumunod na ako at naiwan yung matandang babae sa kwarto. Pagbaba namin ay pina upo niya na ako sa mesa at hinapagan ng kape.









"Masarap ba ang tulog mo hijo?" Tanong niya sakin.










Tumango naman ako. "Ayos lang po ba si Eng-- I mean si Aaliyah?"











"Ah oo, ayos lang siya. Ganyan talaga ang batang yan pag gising niya sa umaga."










"Palagi? Napa tingin niyo na po ba siya?"










HashTag: Medyo Badboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon