03 #Promise

2.5K 84 1
                                    

*Ting ting ting ting ting ting ting ting ting ting ting*

Huh?? Anong ingay yun?? Madaling araw pa lang ah. Baka naman nananaginip pa ako.

"Rise and shine!! Good morning!!"

O_____________________________O

TEKA!! hindi ito panaginip! isa itong bangungot. Agad akong bumangon at nasilaw ako sa liwanag na naggagaling sa bintana ng kwarto ko.

"Haaaaaaaaii!!! Ako to si Aaliyah. Kumusta ang tulog mo??"

"Waaaaaah!! Anong ginagawa mo dito?!!" Nakahiga siya sa kama ko at sarap na sarap pang nakayakap sa unan ko.

"Ano pa? edi nakikitulog."

"ANO?!! Ibig sabihin kagabi ka pa jan?!!!"

"Aray naman. Ang sakit sa tenga ng boses mo, uminahon ka naman. Joke lang yun, hindi naman ako dito natulog eh kakadating ko lang kaninang mga 6:00."

6:00?? tinginan ko yung table clock ko at 9:30 na.

"Hindi ka natulog dito pero simula six o'clock naka higa ka na dito sa tabi ko?"

"Yep. Nagutom ako kaya ginising na kita."

Parang biglang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. "Sino ka ba sa akala mo para basta ka na lang pumasok sa pamamahay ko? Alam mo bang pwede kitang ipakulong dahil sa ginagawa mo?!"

"Galit ka ba?"

Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil sa naging reaksyon niya. Inosente ba talaga tong babaeng to?? o sadyang bobo lang talaga siya??

"Get out of my room now habang nagpapasensya pa ako." Konting konti na lang at kakalimutan ko nang babae siya.

"Sige dun na ako sa kitchen ihahanda ko na yung brunch natin ha.^____^V I'll wait for you."

"NO!! GET OUT!!"

Pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto ko. This girl is pissing me off. She's getting on my nerve. Almost everyday na lang ganito yung ginagawa niya.

Kahit saan ako magpunta lagi siyang nandun. Naiirita na talaga ako sakanya. Tumayo na ako at dumiretso ng bathroom, pagharap ko sa salamin saka ko lang napansin na boxer shorts lang pala yung suot ko at wala ng iba.

Bwiset na yun! humiga sa kama ko kahit nakita niya na wala akong suot na damit?? She's totally a pervert woman. Humanda ka sakin paglabas ko dito.

Binilisan kong maligo at bumaba na agad ako papunta sa may kitchen.

"Wow you look better now."

Hinawakan ko siya sa braso at kinuha ko lahat ng mga pagkain sa mesa saka ko inilagay dun sa basket niya.

"Wait! anong kasalanan ko?"

Hinila ko siya palabas ng bahay at pagbukas na pagbukas ng gate ay itinulak ko siya kasama ng basket niya.

"Hindi mo alam kung anong kasalanan mo?? Huh! Sa susunod na pumasok ka pa sa bahay ko tatawag na ako ng security. Maliwanag?!"

Then I close the gate at pumunta na ako sa kitchen. Ang aga-aga pinapainit ng babaeng yun ang ulo ko.

Kukuha sana ako ng tubig sa fridge pero napansin ko na wala pa pala itong laman na pagkain.

"Bwiset kasi yung Eng-eng na yun! araw-araw dinadalhan ako ng pagkain kaya tuloy nakakalimutan ko ng mag grocery."

Umakyat ako sa kwarto ko at kumuha ako ng jacket. No choice ako kaya mag d-drive ako papuntang supermarket. Inilabas ko na sa garahe yung kotse ko na matagal nang na stock dito. pero bago pa ako maka alis, napansin ko na naiwan ko pala yung phone ko kaya binalikan ko ito.

HashTag: Medyo Badboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon