16 #Thirds Person's POV

1.2K 38 0
                                    

Kinabukasan ay binisita ni Red di Aaliyah sa ospital at dinatnan niya na itong gising.

"Good morning Red!" Masiglang bati nito sakanya. Naruwa naman si Red dahil mukhang mabuti ang pakiramdam nia ngayon, kesa kahapon na halos hindi siya makapagsalita.

"Kumusta ang tulog mo?" Lumapit ito sakanya at hinigit ang upuan malapit sa kama nito upang siyay maka upo.

"Okay naman. Feeling ko nga gumagaling na ako." Masayang ibinalita nito sakanya.

"Mabuti naman."

Napansin ni Aaliyah na parang wala sa mood si Red kaya nanahimik na lang muna siya at sumandal sa kama. "Alam mo nanaginip ako.." Yung masayang boses niya kanina biglang napalitan ng lungkot kaya napatingin si Red sakanya.

"Tinatawag mo raw ako pero kahit na anong pilit kong lumingon hindi ako humaharap sayo, kahit na anong pigil ko sa mga paa ko hindi parin ito tumitigil sa paglakad palayo sayo. Tapos narinig ko yung boses ng mga taong nagmamahal sakin, sina nanay, si tatay, si kuya, si daddy.." Natawa pa siya nang huminto siya sa pagsasalita. "..at si Mommy.. Narinig ko kayong lahat na tumatawag sakin at nakita ko si mommy na umiiyak, malungkot na malungkot siya dahil hindi ako humaharap hanggang sa magising ako." Tumingin ito kay Red na kanina pa pala nakatingin sakanya. "Alam mo na realize ko na hindi pa ako dapat mamatay dahil marami pang tao ang nagmamahal sakin."

"Tama ka. Hindi ka pa pwedeng mamatay." Hinawakan ni Red ang kamay ni Aaliyah saka niya ito hinalikan. "Gagaling ka."

"Gagaling ako."

Pag uulit niya sa dalawang salita. Alam niya sa sarili niya na hindi na siya magtatagal pero kapag naiisip niya ang mga taong malalapit sakanya ay natatakot siyang umalis, natatakot siyang iwan ang mga ito.

Nagising siya kaninang madaling araw dahil sobrang samang pakiramdam niya. Masakit ang katawan niya sa lahat ng parte at akala niya ay babawian na siya ng buhay. Gusto niyang gumaling at lumakas para sa mga taong mahalaga sakanya, gusto niyang sumigla, gusto niyang magkaroon ng mga marami at bagong kaibigan, gusto niyang maging isang normal na dalaga kagaya ng iba na nakakapamasyal kung saan, nakakapag mall, nkaka gimik, nag me-make up at gusto din niyang maranasang magka boyfriend.

Kapag naiisip niya ang mga bagay na yun ay lalo lang nadadagdagan ang lungkot sa puso niya. Paano nga ba niya magagawa ang lahat ng iyon kung may taning na ang buhay niya?

Ayaw niya kasi talagang umalis, pero ano ba ang magagawa niya kung sa bawat araw na lumilipas ay sumusuko ang katawan niya?

Isang masakit na katotohanan na hindi kayang tanggapin lalo na ngayon at napakalapit na sakanya ng taong mahal niya.

"Gusto mong magpahangin sa labas?"

Tumango siya kay Red saka ito ngumiti. Ilang araw na ba nga ba siyang nasa loob ng ospital? Hindi niya na nga maalala kung anong araw na ngayon at hindi na rin niya alam ang pakiramdam ng nasa labas.

Inayos ni Red ang wheelchair niya saka niya ito binuhat at iniupo sa silya. Itinulak niya ito sa labas hanggang sa makarating sila sa parke ng ospital.

Habang nandoon sila ay pinagmamasdan nila ang mga batang naglalaro at nagtatakbuhan sa harap nila. Tuwang tuwa si Aaliyah habang pinagmamasdan ang mga ito at tila ba nagkaroon siya ng isang magandang panaginip sa pagkabata niya na kahit kailan ay hindi niya naranasan.

"Nung bata ako pangarap kong maglaro ng tago-taguan."

Hininto ni Red ang wheelchair sa katabong bangko sa parke saka ito umupo.

Tinignan siya ni Red habang nakatingin ito sa mga batang nagtatakbuhan at hinihintay ang kasunod na sasabihin. Nang hindi ito nagsalita ay si Red na ang nagtanong. "Bakit naman?"

HashTag: Medyo Badboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon