31 #Baymax

535 21 0
                                    

Cheska's POV


"Good morning Iskaaaaaa!" Nag unat unat ako saka ako bumangon at nagtatalon. Maganda talaga ang gising ko ngayon kahit na naka ilang oras pa lang ako ng tulog. Tinignan ko ang kamay ko at naalala ko na naman yung katangahan ko kaninang madaling araw. "Ayos lang yan Iska! At least hinawakan niya ang kamay mo." Niyakap ko ang sarili ko saka ko hinalikan ang kamay ko na hinawkan ni Red kanina.

Grabe, pakiramdam ko magiging masaya talaga ang buong linggo ngayon---Oh speaking of buong linggo! Kailangan ko na palang ayusin yung mga gamit na gagamitin ko sa eskwela para bukas. Yung uniform ko bukas ko na kukunin, sa totoo lang dapat nung isang araw ko pa yun kinuha pero dahil ngayon lang ako nagka pera ay bukas ko na lang kukunin. "Salamat sa mga chicks ni Red na nagbibigay sakin ng malaking tip." Tsss! Mas maganda pa ako sa mga kasama niyang yun. Lamang lang sakin ng ilang paligo yungga yun at isa pa may mga pera lang sila.

Napalingon ako sa may lababo ko at nakita ko yung mga hugasin at basura. Jusme dalawang araw ko na palang hindi nahuhugasan ang mga plato ko. Lumapit na ako sa lababo saka ko na hinugasan ang mga maruruming kasangkapan. "La la la la la.. la la la la la.. la la la la la la laaaaah.. Doo bi doo bidooo aaaaaaaaahhh!"  Pasayaw sayaw pa ako habang kumakanta. Sana nga nandito kayo para marinig niyo ang golden voice ng lola niyo.

*tok tok*

"Oy Iska! Anjan na yung kumukuha ng basura sa ibaba, ilabas mo na yung basura mo."

"Anjan na aling Andang!"

Hinugasan ko ang mga kamay ko na puno ng bula saka ko kinuha ang basura kong nasa plastic bag. Ano ba yan, puro plastic na lang nakikita ko dito. Yung mga pagkain ko nasa plastic bag, yung mga damit ko naka plastic din pati na rin yung iba kong gamit. Oh san ka pa diba?? Puro ka plastikan na ang lola niyo.

"La la la la la.. la la la la la.. la la la la la la laaaaah.. Doo bi doo bidooo aaaaaaaaahhh!"

"Hoy pakanta kanta ka pa jan, hinihintay na sa ibaba yung basura mo."

"Oh aling Edit mainit na naman yang ulo niyo, kaaga aga pa naman."

"Eh pano, itong si Mer dis oras na namang umuwi galing na naman sa Ram Zero."

"Ram Zero??"

"Oo yung club dun sa may bayan."

"Ah.. huwag nang mainit ang ulo niyo. Akin na po yan at ako na ang magbababa." Hindi ko na siya hinayaang sumagot pa at kinuha ko na lang sa kamay niya ang dalawang malaking plastik bag na dala niya. "Ako nang magtatapon nito."

*Beep beep!*

Dumungaw ako sa ibaba at sinenyasan ko yung driver ng basura.

"Kuya one minute!"

Agad akong tumakbo mula dito sa third floor pababa habang bitbit ko ang tatlong plastic ng basura.

"Iska, ikaw na naman? Palagi ka na lang huli maghatid ng basura mo, sa susunod iiwan ka na namin para habulin mo itong truck namin."

"Kayo naman mang Jimmy oh. Alam niyo namang nasa ikatlong palapag pa yung inuupahan ko tapos minamadali niyo pa ako. Oh sige ganito na lang, para hindi niyo na ako hintayin ihahagis ko na lang mula sa itaas yung basura ko. Okay ba yun?" Sabay abot ko ng basurang dala ko sakanya.

"Yan ang huwag mong gagawin Iska ah. Baka mamaya imbes na mangolekta lang kami ng basura eh pag walisin mo pa kami ng basura niyo."

"Oh sige na nga. Huwag na ho kayong mag alala dahil sa susunod maaga na ako."

"Sinabi mo yan ah."

"Promise ho yan!"

Papasok na sana ako sa loob nang makita ko si aling Tey na may dalang maraming kahon at mukhang itatapon niya na ang mga yun.

HashTag: Medyo Badboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon