10 #The First Kiss

1.5K 62 0
                                    

Aaliyah's POV

"Aaliyah mag almusal ka na hija."

Pinagmasdan ko si nanay habang papalapit siya saakin dala dala ang isang tray ng pagkain. Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko at umupo ako sa kama.









"Nay."












"Ano yun?" Tanong niya habang inilalapag sa may side table ko yung pagkain.











"I think hindi na muna po ako babalik sa Paris."











Nagulat siya sa sinabi ko at agad niya akong nilapitan.











"Bakit naman? Dahil ba ito kay Red?"











I nodded. "Pumayag na po siyang mag take ng board exam and nag promise po ako sakanya na dito lang ako hanggang sa araw ng exam niya."











"Pero Aaliyah, anak--"











"Huwag po kayong mag alala nay. Magiging okay lang po ako." I smiled at her to give her an assurance, then I hug her. "Binigyan pa po ako ng Diyos ng pagkakataon na mabuhay kaya hindi naman po siguro niya mamasamain kung hihilingin ko din na makasama si Red hanggang sa exam niya."












"Pero alam mo ang kondisyon mo."











"Opo nay, alam ko po ang kondisyon ko at alam kong malakas pa ako at lalakas pa po ako sa mga susunod na mga araw."












"Dapat lang hija dahil kung hindi, ilalayo namin si Red sayo."











Kumawala ako sa pagkakayakap ko sakanya. Hinawakan ko ang mukha niya saka ko siya tinitigan sa mata.
"Nay, ginagawa ko po ito para kay uncle Kyle at hindi po dahil kay Red."











"Totoo ba yang sinasabi mo?"











Tumango ako sakanya saka lang siya ngumiti at niyakap niya ako uli.

Siguro nga kaya ko silang paniwalain na wala akong gusto kay Red, pero hindi ang puso ko. Siguro nga kaya kong pagtakpan ang nararamdaman ko pero hindi ang puso kong nagmamahal.

Bigla na namang nanikip ang dibdib ko at nahirapan na naman akong huminga. Bakit ganito?? Kahit may oxygen na ako nahihirapan parin akong huminga.

Stop it kasi Aaliyah! Alam mong hindi maganda sayo yan so please stop it! Stop loving Red!











"Okay ka lang ba Aaliyah?"












Napatingin ako kay tatay na nasa may pintuan at may dalang mga bulaklak na mukhang bagong pitas.

Ngumiti ako sakanya at tumango na din. Sumandal na ako sa headboard ko saka ako nagpahinga sandali. Para akong nakipagtakbuhan sa marathon dahil sa nararamdaman ko.











"Gusto mo bang tawagin na namin si doc?"











Umiling ako. "Okay na po ako." Maya maya pa biglang tumunog yung doorbell at nagtinginan kaming tatlo.











"Ako na."












Sumilip sa may binatana si tatay at pagkatapos ay binalik nya yung tingin saamin ni nanay.











HashTag: Medyo Badboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon