02 #Villafria

3.8K 109 3
                                    

Red's POV

*Dingdong...*

*Dingdong dingdong dingdooooooooooooooooooooooooooong..*

"Aray sino ba yun?"

Nagising ako nang mrinig ko ang malakas na tunog ng doorbell mula sa ibaba.  Kinuha ko ang alarm clock sa may side table ko at tinignan ko yung oras. Alas sais?? Sino kaya ang hindi normal na tao ang gumigising sakin ng ganito kaaga??

Bumangon ako dahil hindi parin tumitigil sa pagtunog yung doorbell kahit na halos mapaos na ito sa kakatunog.

*Dingdongdingdongdingdongdingdong.*

*Ding..*

Agad akong pumunta sa gate at pabagsak ko yung binuksan.

"Good morning!!"

Bumungad sa harapan ko yung babae kagabi na hindi ko maalala yung pangalan. Ang lapad pa ng ngiti akala mo asong nakangiwi. Ano na namang ginagawa nito dito? kahapon niya pa ako sinusundaan ah. Obsess na siguro to sakin.

Sinarado ko yung gate at bbumalik ako sa loob. Ayokong patulan ang baliw na gaya niya dahil baka pati ako masiraan na rin. Pero hindi pa ako nakaka akyat nang tumunog na naman yung doorbell.

"Magsasawa ka rin."

Sabi ko sa sarili ko at bumalik na ako sa kwarto ko. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama ko at kinuha ko na yung unan ko. Hindi pa ako nakakabawi sa tulog kaya kailangan ko pang magpahinga.

*Dingdongdingdongdingdongdingdongdingdongdingdongdingdongdingdong*

Ano bang nangyayari sa babaeng yun?? sobrang kulit daig pa ang grade school kung umarte. Hindi ako makatulog dahil sa ginagawa niya.

Paulit ulit niyang pinindot yung doorbell kaya bumaba na naman ako para sawayin siya.

"Hi!! Ako parin--"

"Miss! binabalaan kita! kapag pinindot mo pa uli yang doorbell na yan gigibain ko yan sa harapan mo, naiintindihan mo?!!"

Tahimik lang siyang tumango at hindi na nagsalita pa. Sinaraduhan ko na siya ng gate at pumasok na ako sa loob. Ang aga-aga sinisira niya yung araw ko.

Aakyat na sana ako sa kwarto ko pero biglang nawala yung antok ko kaya dumiretso na lang ako sa kusina para uminom ng tubig.

"Sh*t."

Wala pa palang laman yung fridge ko. Nakalimutan ko palang sabihan si Gino na ipang grocery ako. Di bale magpapa-deliver na lang ako ng pagkain. Nasaan na ba yung cellphone ko??

*Toktoktoktoktoktoktok*

Napatingin ako sa may pintuan. Huwag niyang sabihing siya na naman yun.

"This girl is getting on my nerve."

Lumabas uli ako para puntahan yung babae.

"Diba sinabi ko na sa--"

Bigla akong natigilan nang makita ko yung dala niya. May hawak siyang isang malaking basket at nakataas yun hanggang sa lebel ng baba niya.

"Ano yan?" Masungit na tanong ko sakanya.

"Pagkain."

"Miss--"

"May pangalan ako, tawagin mo akong Aaliyah."

"Aaliyah o kung ano pa man. Mukha ba akong pulubi sa paningin mo?"

"Hindi. Peace offering ko yan sayo dahil sa pagsusungit ko sayo kagabi sa bar. Natatandaan mo?"

HashTag: Medyo Badboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon