40 #Cheska The Shy Type Girl

482 13 0
                                    

"Mabuti naman at napa payag kitang sumama sakin."

"Bakit naman hindi?" Tipid na sagot ko.

"Akala ko kasi hindi ka lumalabas ng bahay nyo eh."

Nag tingin tingin lang ako sa paligid. Malapit na pala ang pista kaya abala ang lahat sa pag aayos ng mga dekorasyon sa kani kanilang tahanan.

"Cheska sigurado ka bang ayos ka lang? Kung gusto mo ihahatid na kita sainyo."

"Ha? Hindi okay lang. Sabi mo pupunta tayo sa pagawaan mo ng mga souvenirs diba?"

"Oo pero lumampas na tayo. Yun yung sinasabi ko sayo kanina."

"Ha? Sinabi mo na yun sakin kanina?" Hindi ko yata narinig yun. Nawawala ka na naman sa sarili mo Cheska.

"Lumampas na rin tayo kaya dumiretso na lang tayo sa may plaza."

"Ah sige. Pasensya ka na."

"Ayos lang yun. Tara na?"

Tumango lang ako at sumunod sakanya. Naglakad kami papunta sa sinasabi nyang plaza. Sobrang saya ng mga tao dito, bang iba sa syudad. Dito kahit simpleng bagay ikinatutuwa nila. Mukhang dapar masanay na ako dito dahil hindi na rin naman ako babalik doon.

Inikot nya ako doon at namasyal kami sa mga magagandang lugar dito sa bayan.

"Hindi ka ba nagugutom? Ala una na."

"Ala una na ba?"

"Bakit ba palagi kang wala sa sarili mo? May problema ka ba?"

"Wala naman. Tara kain na lang tayo."

"Ano bang gusto mong pagkain? Treat ko."

"Dapat lang dahil niyaya mo ako dito eh at isa pa wala naman akong perang pang libre sayo kaya ililibre mo ako."

"Sige na po madam. Saan mo ba gustong kumain?"

"Sa masarap?"

"Pero mura?"

"Hindi nu. Dun sa mahal syempre. Paminsan minsan gusto ko din matikman ang pagkain ng mga mayayaman."

"Patawa ka. Tara na nga." Hinawakan nya ang kamay ko at naglakad kami papunta sa kotse nya. Pinagmasdan ko ang kamay kong hawak nya. Parang kapareho ng kamay ni Red😞 Tama na Iska!!! Paukit ukit ka na lang eh!!

Bakit ganun? Kahit anong libang ang gawin ko sa sarili ko hindi parin sya mawala sa isip ko? Ano bang kailangan kong gawin?? Parang mas lalo lang yatang lumala yung nararamdaman ko nang malaman kong may iba na sya.

"Dito na lang tayo kumain, masarap ang mga seafoods dish nila dito."

"Talaga? Sige jan na lang."

Pagpasok namin sa resto ay umorder na sya. Pinapapili nya ako pero sya na lang ang sinabihan kong mamili. Ang totoo nyan wala naman talaga akong ganang kumain, nahihiya lang ako sakanya kasi na dis oras kami sa pamamasyal ng wala man lang nangyari. Lutang ako buong araw at nakokonsensya naman ako kung hindi ko sya sasamahan.

"Mahilig ka ba sa salad?"

"Ayos lang. Kumakain naman ako ng gulay eh."

"Good."

One sided love broke the sea so down and I took it rough when I hit the ground.🎵🎶

"Ang wierd naman ng kanta no? Pang broken hearted?"

"Ha? Ano bang sabi? Hindi kasi ako mahilig mag interpret ng kanta eh." Pero ang totoo nyan nagpapalusot lang ako, hindi naman kasi ako best ing English eh.

HashTag: Medyo Badboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon