37 #Huli na to'

741 30 0
                                    


"Cheska? Cheska!"


Nagising ako dahil sa ingay sa labas ng pintuan. Agad akong bumangon saka ko ito binuksan.


"Oh Xavier.. ikaw pala. Pasok ka, pasensya na hindi pa ako nakapag linis."


"Okay ka lang ba? May sakit ka ba?"


Hinawakan niya yung mukha ko at parang chine check up niya ako. Bakit ba siya natataranta??


"Wala akong sakit."


"Nagpunta ako sa trabaho mo at ang sabi nila nag resign ka na daw."


Siguro nalaman na rin niya yung tungkol sa naging away namin ni Pan kahapon. Pinagkalat kasi niya sa trabaho na malandi raw ako dahil nakitulog ako sa bahay ng boyfriend niya. Parang gusto ko ulit maiyak kapag naaalala ko yun.


"Cheska--"


"Hindi naman totoo yung sinasabi ni Pan. Hindi naman ako natulog kasama yung boyfriend niya. Hindi ko rin siya inagawan kagaya ng sinasabi niya. Hindi ako-"


"Tama na." Hinila niya ako at niyakap para patahanin dahil bumagsak na naman ang mga luha sa mata ko. "Alam ko hindi mo magagawa yun."


Tinignan ko si Xavier. "Naniniwala ka sakin?" Tumango siya.


"Alam ko hindi ka ganun."


"Xavier.." Lalo lang lumakas yung pag iyak ko. Mabuti pa siya naiintindihan niya ako. Mabuti na lang at may taong nakakaintindi sa akin. "Nagpunta ako doon dahil baka kung anong gawin ni Red sa sarili niya. Natakot ako na baka saktan niya yung sarili niya dahil iniwan na naman siya ng taong mahal niya."


"Tahan na. Matanda na siya at hindi niya gagawin ang iniisip mo. Naiintindihan ko na nag aalala ka para sakanya, pero sana isipin mo rin ang sarili mo Cheska."


"Pero kasi.. Sabi ni uncle Kyle huwag ko daw siyang iiwan." Tinignan ko si Xavier at pinunasan niya ng kamay niya ang mukha ko.


"Hindi mo naman siya obligasyon, nanjan si Pan para sakanya."


"Pero Xavier hindi mo naiintindihan--"


"Ang alin?" Tinignan niya ako ng seryoso at parang bago sakin yun. "Nagmamahal ka ng taong hindi ka mahal, habang may nagmamahal sayo na hindi mo rin kayang mahalin. Sa tingin mo anong mas masakit? Ang masaktan o ang makasakit?"


"Ano bang ibig mong sabihin?"


"Huwag nating ipilit ang isang bagay na alam nating sa simula pa lang ay wala na talaga. Ang kwintas kahit gaano pa ito kaganda, kung hindi ito kasya sa leeg mo ay hindi mo rin ito maisusuot dahil alam mong masasaktan ka lang."


Hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi niya. Sa ngayon wala akong ibang gustong gawin kundi ang makapunta sa lamay ni uncle Kyle. "Pero Xavier gusto kong pumunta sa lamay ni uncle Kyle. Kahit ipagtabuyan pa niya ako pupunta pa rin ako."

HashTag: Medyo Badboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon