09 #Undenial Feelings

1.6K 66 0
                                    

It's been two weeks simula nung magkausap kami ng kuya ni Aaliyah, ewan ko kung paano ako naka survive ng two weeks nang hindi ko siya nakikita pero sa tingin ko hindi ko na kayang maghintay pa. Pupuntahan ko na siya ngayon.









"Oh pre san ka pupunta?"









Si Gino yun nankaibigan ko. Nandito kasi kami ngayon sa bar kung saan kami palaging nagkikitang magbabarkada.









"Pupuntahan ko si Aaliyah."











"Nagpapadalos dalos ka naman niyan pre eh. Hintayin mo na lang yung go signal ng kuya niya."










"Ayokong maghintay."











Lumabas na ako sa VIP room na inokupa namin. Kung maghihintay ako baka mapatunayan ko pang may forever kaya huwag na lang.

Palaba na sana ako nang may maka bungguan akong babae. Tinignan niya ako pero dire diretso parin siyang pumasok. Pinagmasdan ko siya hanggang sa rumehistro ang mukha niya sakin.










"Aaliyah?"

Sinundan ko siya pero sa dami ng tao dito hindi ko na siya nakita. Hindi ako pwedeng magkamali si Aaliyah nga yun. Pero bakit ganun yung hitsura niya? Naka make-up siya ng makapal tapos yung suot niya.. maiksi yung damit niya pati yung shorts niya. Yung buhok din niyang mahaba pinagupitan niya.











"Red!"










Tinignan ko yung tumawag sakin at si Gino yun. Hinila niya ako pabalik sa VIP room at nagyaya uli siyang uminom pero tumanggi na ako at hinayaan ko na lang sila.

Si Aaliyah ba talaga yung nakita ko?? Kung siya nga yun bakit hindi niya ako pinansin?? Tssss! Malamang hindi siya yun Red. Kahit kailan hindi magiging ganun si Aaliyah, napaka simple nga niya diba? Napaka masiyahin, ibang iba sa nakita mong babae kanina na mukha atang gangster.

Tingnan ko yung mga kasama ko na halos bumagsak na sa sahig sa sobrang kalasingan. Niyaya ko na silang umuwi at tinulungan ko si Gino papunta sa kotse ko, ihahatid ko na lang siya sa condo niya.

Paalis na sana kami nang makita ko na naman si Aaliyah sa may gilid ng bar hawak hawak ang phone niya.
Bumaba ako at nilapitan ko siya. Nagulat pa siya nung maka lapit ako sakanya.










"Yes?"










"Anong ginagawa mo dito? Chaka isa pa, ano yang suot mo?" Tanong ko sakanya. Tumingin pa siya sa kaliwa, sa kanan tapos sa likuran niya saka niya itinuro yung sarili niya.













"Ako bang tinutukoy mo?"













"Sino pa ba? Dalawa lang tayo dito." Inis kong sagot sakanya. Namimilosopo pa siya. "Ano ba yang suot mo? Tingin mo ba bagay sayo?"

Halatang gulat na gulat siya sa sinabi ko pero tumawa lang siya ng nakaka asar.













"May sayad ka ba? Ano namang pake mo sa suot ko? Eh ikaw nga nandito, hindi ko pinapakielaman eh. Saka isa pa, magkakilala ba tayo?"










Ano?? At ngayon hindi pa niya ako kakilala. Eng eng talaga tong babaeng to kahit kailan. "Alam ko galit ka sakin dahil dun sa ginawa ko sayo nung isang araw pati na rin dun sa narinig mong usapan namin ng Mommy mo. Pero hindi mo na kailangang mag panggap na hindi mo ako kakilala."










HashTag: Medyo Badboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon