08 #Drifting Apart

1.6K 74 4
                                    


"Red hijo, mag almusal na tayo sa ibaba."









Tinignan ko si lolo na papalapit sakin.










"Susunod na ho ako."










Tumabi siya sakin dito sa may bintana at pinagmasdan ang tanawin sa labas.











"Ilang linggo ka ng ganyan ah. Hindi ko tuloy alam kung masaya ka ba sa pagtira dito o namimiss mo na sa ibang bansa."











"Masaya ho ako dito lolo. Nasanay na lang ho kasi siguro akong mag-isa."










"Alam kong sanay kang mag-isa pero hindi kita nakikitang ganyan kalungkot dati."










Tinignan ko si lolo. "Ganun po ba ako ka transparent??"











"Yun siguro ang namana mong ugali sa mama mo. Masyado kayong madaling basahin, kaya lang ang mama mo ginagawa lahat ng gusto niya. Kahit ata anong maisipan nun ginagawa, kahit pa imposible lalo na para sa taong minamahal niya."










"Really? May ganun palang tao lolo?"










"Ganun ang Mama mo. Siguro ganun talaga pag nagmamahal, gagawin mo ang lahat para sa taong mahal mo, kahit pa alam mo sa sarili mo na imposibleng mahalin ka niya."










"Kahit pa alam mo sa sarili mong iposibleng mahalin ka niya?"










"Oo apo. Dahil sa pag-ibig walang imposible, lahat pwede."










Bigla kong naalala si Aaliyah.. Ano na bang nangyari sa babaeng yun? Bigla siyang nag deactivate ng Facebook. I tried to call her one time pero hindi nag ring ang phone niya.

Nah! Bakit ko ba siya iniisip?? Wala na siya sa buhay ko kaya dapat maging masaya na ako.










"May girlfriend ka na ba ngayon apo?"










"Girlfriend?" Umiling ako kay lolo. "Wala po."












"Pero may iniibig ka?"












Tinignan ko siya. "Ano po sa tingin niyo? I mean ang sabi niyo po kasi transparent ako. Do you see me inlove lolo?"












"Hindi ka inlove, sa tingin ko heart broken ka."











"Heart broken? Imposible naman po ata yun." Naglakad ako palayo sakanya saka ako tumawa. "Paano naman po ako ma ha-heart broken kung hindi naman po ako na i-inlove? Nag jo-joke naman po kayo eh."












"Hindi ka nga ba?" Lumapit si lolo sakin saka niya ako tinap sa balikat. "Baka nga nagkakamali lang ako. Tara mag almusal na tayo hijo."












"Susunod po ako."










Bumaba na siya at naiwan ako ditong nag-iisip dahil sa sinabi niya. Am I heart broken? Do I really miss that Eng eng?? "I don't think so." Bumaba na ako at sumabay ng mag almusal sakanila.










###









"Apo tignan mo, mukhang malaki laki ang nahuli ko ngayon."










HashTag: Medyo Badboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon