38 #Ang Tamang Jeep Para Sayo

471 19 0
                                    

"Ano bang ginanagawa mo dito?"

"Napag utusan lang ako ng boss ko."

"Ibaba mo kami dahil hindi kami sasama." Kinuha ko na yung gamit sa tabi ni nanay pero pinigilan niya ako.

"Anak huwag ngang matigas ang ulo mo. Hinihintay na tayo ng mga kapatid mo."

"Pero bakit kailangan pa niya tayong ihatid? Para malaman niya kung saan tayo titira? Para kapag gusto niya tayong puntahan pupuntahan niya tayo? Nay ayoko! Ayoko nang magkaroon pa ng koneksyon sakanya."

"Tumigil ka nga Cheska! Ito ang makakabuti sa ating lahat kaya matulog ka na lang jan habang nagbibiyahe tayo."

Wala rin naman akong nagawa kaya sumandal na lang ako sa kinauupuan ko. Paano ko siya makakalimutan kung palagi siyang magpaparamdam?

"Cheska, kung iniisip mo na masamang tao si Red nagkakamali ka.."

"Wala akong sinasabing ganun kaya tumahimik ka."

Kinurot ako ni nanay sa tagiliran saka binulungan na tumahimik na lang daw ako kung wala akong sasabihing maayos.

Hindi ko naman naisip na masama siyang tao.. Ayoko lang talagang lumala yung nararamdaman ko sakanya kaya hanggat kaya ko pa gusto kong umiwas, dahil baka kapag napamahal na ako ng lubusan ay hindi ko na kayaning mawala pa siya sakin. Oo kamukha ko si Aaliyah pero kahit kailan hindi ko mapapalitan si Aaliyah sa buhay niya, hindi ako siya.

 "Bigyan mo lang siya ng konting panahon, yung lang ang hinihiling niya sayo."  

"Panahon.." Bulong ko. Hanggang kailan?? Paano kung pagod na ako at nagsisimula pa lang pala siya? Paano kung sumuko na ako kasi ayoko na? Sana lang kayanin ko ang ganito.

"Oo Cheska. Huwag ka sanang mapagod, intindihin mo na lang siya."

Hindi na lang ako sumagot sakanya. Tahimik lang ako sa biyahe at hindi na rin naman nagsalita si Gino.

Panahon..

Sana hindi pa ako pagod sa panahon na yun Red..

###

"Iska, bumili ka ng almusal ng mga kapatid mo."

Naglilinis ako ng bahay nang bigla akong tawagin ni nanay.Nilapitan ko siya dahil mukha syang matamlay. "Ayos lang po kayo?" Hinaplos ko ang noo nya saka ko nakummpirmang nilalagnat siya. "Ang taas ng lagnat nyo nay, uminom na ho ba kayo ng gamot?"

"Kanina pa pero hindi parin bumababa."

"Eh bakit bumangon na kayo?"

"Kailangan kong pumasok sa trabaho."

Kinuha ko yung bag nya saka ko sya inalalayang umupo. "Ako na muna ho ang magtatrabaho ngayon, magpahinga na muna kayo."

"Kaya ko pa naman eh." Kukuhanin nya na sana yung bag pero hindi ko ito ibinigay sakanya.

"Ako na muna ho ang mamamasukan ngayon, hindi naman suguro mamasamain ni Mrs. Martinez"

Nakikipaglaba kasi si nanay sa bayan, halos araw araw na lang yata may labada sya. Malaki na ang ipinagbago nya simula nung tumira kami dito sa Isla na napaka layo sa kabihasnan. Mga sampung buwan na rin kaming nandito at mejo nasasanay na rin kaming lahat.

"Sigurado ka bang kaya mo?"

"Oo naman nay, magpahinga na lang kayo jan at ako na ang bahala."

Isinulat nya sa papel yung address at ang pangalan ng hahanapin kong kasambahay doin. Nagpaalam ako at naglakad na papunta sa bayan. Mejo may kalayuan yun at madalang lang ang mga sasakyan na dumadaan dito. Mga kalahating oras siguro bago ako makarating doon at pagkatapos ay mamamasahe pa ako papunta sa amo ni nanay.

HashTag: Medyo Badboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon