35 #Fighting Spirit

559 19 2
                                    

Cheska's POV



"Ready na yung lunch natin!"😊😊


Nandito kami ngayon sa itaas kung nasaan ang Daddy ni Red. Hindi kasi siya maka lakad kaya nag set na lang kami ni Red ng makakainan dito at siyempre ako ang nagluto.😀✌


"Maraming salamat Aaliyah." Sabi sakin ni Daddy Kyle.✌ Ehehe siyempre makiki Daddy na rin ako hihihi😀😀 Sinabi ko kasi sakanya na Aliyah ang alam ni Red na pangalan ko kaya yun na rin yung itatawag niya sakin.

"Walang anuman ho sir. Kaina po tayo."

"Huwag mo na akong tawaging sir, tawagin mo na lang akong uncle Kyle.. Tito Kyle.. or mas maganda kung.. Daddy."


Halos masmid ako sa huli nuyang sinabi. 'Totoo po ba yan??"✨________✨ Tumango siya. "Sige po Daddy." Si Red naman ang nasamid nang marinig niya ako kaya agad akong tumayo at hinagod ko anglikuran niya. "Okay ka lang Red? Tubig?"


"Okay lang. Maupo ka na."

"Sigurado ka?" Pagkukumpirma ko saka naman siya tumango. Umupo na ako sa tapat niyang upuan at nanalangin muna kami bago kami kumain.

"Oh kain na tayo at baka lumamig pa yung paagkain."😊😊


Nagsimula na kaming kumain at si Red nilagyan niya ng kanin at ulam yung plato ni Daddy. Natutuwa akong makitang okay na sila, sana magtuloy tuloy na yung ganito.


"Oh bakit hindi ka pa kumakain?"

"Ah oo eto na nga kakain na." Kumuha na rin ako ng pagkain saka na ako kumain.

"Aaliyah, anong gusto mong kuhanin pagkatapos mo ng high school?"

"Gusto ko pong maging english teacher!" Sagot ko sa Daddy niya nang hindi nag iisip.😀✌

"English teacher?" Tanong niya uli.

"Opo. Hindi po kasi ako magaling sa english kaya yun po ang gusto kong kuhanin."

"Ang creepy mo."

"Ha?? May sinasabi ka ba Red?" Tinignan ko siya at umiling lang siya at kumain na. "Ang totoo niyan..." Tinignan ko yung Pagkain ko at nilaro ko ng tinidor yung mga green peas hanggang sa makabuo ako ng heart shape ng hindi ko namamalayan. "Yun po talaga yung pangarap ko simula pagkabata ko." Ngumiti ako at hindi ko namalayan na naka gawa na pala ako ng hugis puso gamit ang mga green peas.

"Alam mo, pangarap din ng Mommy ni Red maging teacher noon." Napa tingin ako sakanya ng may pagka mangha. Talaga po?? "Kaya lang mas pinili niyang magtrabaho sa hotel at magpakasal sakin kesa mag aral."


Naka ngiti siya habang kinukwento niya yun. Siguro nga tama yung salitang wrong timing. Kasi, kahit na nanjan na yung tamang tao para sayo, kung hindi rin sa tamang oras at tamang panahon, hindi niyo rin makakamtan ang forever na dapat sana ay para sainyo.

Kung makakabalik lang ako sa panahon kung saan masasaksihan ko ang love story nila, wala akong sasayanging segundo para lang maikwento ko kay Red kung gaano kamahal ng magulang niya ang isa't isa.


"Patunay lang po yun na ang pag-ibig ang pinaka makapangyarihan sa lahat.. Kahit na wala po ako sa mga panahong yun uncle Kyle, nasisigurado ko na kayo ang may pinaka magandang love story sa lahat."

HashTag: Medyo Badboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon