22 #PopoyZone

880 24 0
                                    

"Woi Iska! Nandito kanina yung ka-ibigan mong doctor. Saan ka ba nanggaling? Hindi ako makalapit sakanya eh. Nahihiya ako pag di kita kasama."

"Nag deliver ako, eh diba yun naman yung trabaho ko dito?"

Tinanggal ni Cheska ang suot na sumbrero saka ito ipinaypay sa sarili niya habang umuupo sa malapit na silya.

"Uy Iska." Lumapit si Tina sakanya at tumabi ng upuan. "Kayo nung doctor na yun no?"

Nagsilapitan ang mga kasama nila sa trabaho dahil sa tanong ni Tina. Tinaasan naman sila ng kilay ni Cheska.

"Gusto niyo talagang malaman?" Tanong niya saka niya nilipon ang mga ito. "Ang totoo niyan.." pabitin niyang bulong habang palapit ng palapit ang mga ito. "si doc at ako.." Mas lalo pang lumapit ang mga ito sakanya na halos magka dikit dikit na ang mga mukha nila. "WALA TALAGA KAMING RELASYON! Hmp! Mga chosmoso at chismosa kayo ah."

Agad namang nagsi alisan ang mga ito at lumayo sakanya, yung iba ay kinantyaw pa siya at may mga natira din sa tabi niya na ayaw siyang tantanan, mabuti na lamang at dumating ang boss nila kaya nagbalikan ang lahat sa trabaho.

Maya maya pa ay yung boss naman nila ang tumabi sakanya at nakipag chikahan.

"So kumusta naman yung anak mong nasa ospital?" Pagsisimula nito.

"Medyo bumubuti na po siya. Baka sa susunod na linggo maka labas na rin siya."

"Ah mabuti naman kung ganun. Siguro alaga siya nung doctor na gwapo no?"

Muntikan nang malaglag si Cheska sa kinauupuan niya dahil sa itoniran ng boss. Akala niya ay naka takas na siya sa mga ka trabaho niyang reporter, mas malala pa yata ang boss niya.

"Ah.. eh.. wala naman po kaming relasyon ni doc, binabayaran ko lahat ng gastusin sa ospital at nagkataon lang na siya yung doctor ng anak ko."

"Ah ganun ba? Eh bakit parang close na close kayo nung doctor?"

"Naging close lang po kami dahil siya nga po yung doctor ng anak ko at isa pa may asawa si doc--"

"ANO//ANO??"

Parang choir ang mga kasama niya sa trabaho na nagka sabay sabay sa pagtatanong sakanya. Hindi niya napansin na nakikinig na pala ang mga ito sa usapan nila ng kanyang boss.

"At may isa silang anak." Pagdudugtong niya sa sinabi.

"Ibig sabihin may asawa't anak na pala siya?" May panghihinayang sa boses ng boss niyang bading at ganun din sa mga kasamahan niya sa trabaho.

"Kaya sinasabi ko sainyo, wala kaming relasyon."

Saka na siya tumayo at nagpunta sa locker niya para magbihis. Tapos na ang shift niya sa araw na ito at pupunta na siya sa ospital.

"Uy Iska day off mo na ba bukas?"

Si Rolly yun, isa sa mga kasama niyang riders.

"Oo, bakit?"

"Makikipalit sana ako, kinabukasan pa kasi yung off ko eh."

"Pasensya na Rolly pero aalis kasi kami bukas ng mga anak ko eh."

"Ah ganun ba? Osige sa iba na lang ako makikipalit."

"Pasensya ka na talaga."

Nagpaalam na siya sa mga kasama niya at naglakad na siya papunta sa sakayan. Sa totoo lang hindi naman talaga sila aalis ng mga kapatid niya, pagod na pagod na kasi talaga siya sa isang linggong trabaho at gusto niya nang mag day off at isa pa wala siyang perang ipanlilibre sa mga kapatid dahil sakto na lang ang budget niya para sa buong linggo, next week pa kasi ang sahod nila. Nagtataka nga ang mga katrabaho niya kung saan nanggagaling ang perang ipinambabayad niya sa ospital kung nasaan ang kapatid niya, lalo pa at nasa pribadong ospital ito. Sinasabi na lang niya na nagpapadala yung mga tatay ng mga anak niya. Pero ang totoo niyan ay ginagamit niya ang pera ni Red kahit na masakit sa loob loob niya. Gamot lang naman ang binibili niya dahil libre si Francine sa ospital, nirefer kasi siya ni doc Xavier.

HashTag: Medyo Badboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon