28 #Pandora The Explorer

630 24 0
                                    

"Are you sure hijo? Dito talaga ang gusto mo? I mean, I appointed you as the president of this company pero mas gusto mong magsimula sa mas mababang pwesto."

"I'm one hundred percent sure lola. No need to worry, I'll try to handle it."

Nasa office sila ngayon ng lola niya at pinag uusapan ang magiging posisyon niya sa trabaho, ngayon ang simula niya sa trabaho at imbes na tanggapin ang posisyon niya bilang presidente ay mas mababang posisyon ang pinili niya.

Maya maya pa ay may kumatok sa pinto at pumasok ang secretarya ng lola niya.

"Mam nandito na po si ms. Esqueta."

"Ah sige papasukin mo siya."

Prenteng sumandal si Red sa kinaupuan saka nito pinagmasdan ang kabuuan ng office ng lola niya.

"Good morning mam." Anang ma awtoridad na tinig ng pumasok.

"Good morning, take your sit Pan."

Hindi pinansin ni Red ang dumating hanggang sa umupo ito sa katapat na upuan niya at nagulat siya sa babaeng nasa harapan.

"You?? What are you doing here?"

Nginitian lang siya ng babaeng nasa harapan at hindi ito nagsalita.

"Magkakilala kayo Red?" Gulat na tanong ng lola niya.

"No."

"So, let me introduce you to each other. Pan this is my grand son Red Montefalcon, and Red this is Pan Esqueta and she will be the new vice president of our company."

"What?? No way lola, you must be kidding."

"No, I'm not Red. Is there any problem hijo?"

Tinignan niya ang babae na naka ngisi sakanya ngayon.

"Then I have to accept the position of being a president." Hindi ko hahayaan na maging boss ko ang babaeng ito. Nasabi na lamang niya sa isipan.

"Really?" Masayang tanong sakanya ng lola niya. "I'm so happy for you Red. Simula ngayon magkasama na kayong magtatrabaho ni Pan para sa ikalalaki at ikagaganda ng mga hotel natin." Saka siya niyakap ng lola niya. Dahil sa narinig niya ay parang pinagsisisihan niya na ang naging pasya.

###

"So, Rem ito pala ang office mo. Maganda naman pala at malinis pa."

"Bobo ka ba? Hindi Rem ang pangalan ko."

"Rem stands for Red Montefalcon. Mas gusto ko yung naiiba."

"Okay, Pandora the explorer."

"Yuck! Ang baduy mo ah."

"Can you please shut up and don't talk to me. Gawin mo ang dapat mong gawin."

"Bakit ba asiwa ka sakin?? Ano bang ginawa ko sa'yo? In fact, ikaw pa nga ang may kasalanan sakin diba? So dapat ako yung may karapatang magalit sa'yo."

"Shut up! Lumabas ka nga dito. I'm too busy with my work, so you better leave me alone!"

"Wow! Busy agad? Eh one week ka palang sa work ah."

Pinindot ni Red ang aparato upang tawagin ang sekretarya at sinabihan na paalisin sa harapan niya ang babae. "Kung kinakailangang tumawag ng security gawin mo." Dagdag pa niya sa sekretarya sa kabilang linya.

"Alam mo? Ang sama talaga ng ugali mo. Pasalamat ka at may lakad din ako ngayon, pero hindi na kita mapapalampas sa mga susunod na araw! See you soon Rem!"

Padabog siyang lumabas at saka malakas na isinarado ang pintuan bago pa man makapasok ang sekretarya ni Red dala ang mga gwardya.

"Nasa menopausal stage na yata ang lalaking yun." Asik niya habang naglalakad papunta sa elevator. Wala naman talaga siyang lakad ngayong araw, alibi niya lang yun dahil tapos na rin naman ang mga trabaho niya kaya naisipan niya na lang na magpunta sa pizza parlor kung saan nagtatrabaho ang bff niya. Ayaw niyang magpa stress sa kasama sa trabaho kaya idadaan niya na lang sa pagkain ang lahat.

HashTag: Medyo Badboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon