14 #Last Wish

1.2K 46 3
                                    


Ilang segundo din kaming nagkatinginan. Siya na ba talaga to?? Is he the real Kyle Montefacon, my father? I was shocked at first and don't know what to do. Should I hug him? Because after he left me when I was five I never saw him anymore, only on pictures.

"Red anak,"

Lalapit sana siya saakin pero lumayo ako. "Huwag kang lalapit." Naglakad ako palayo sakanya saka ko dinial ang number ni Aaliyah.

"Red sandali lang."

Kahit na alam kong sinusundan niya ako ay hindi ko siya nilingon. Pinlano ba lahat to ni Aliyah? Sinet-up niya ba kaming dalawa??

"Red."

Hinawakan niya ako pero itinulak ko lang siya.

"Anak I'm sorry. Alam ko malaki ang kasalanan ko sayo, but I came here to--"

"I don't want to listen to you! Kahit ano pang sabihin mo hindi na ako maniniwala sayo. Matagal ko nang kinalimutan na may ama ako kaya sana kalimutan mo na rin na may anak ka."

Pagkatapos kong sabihin yun ay umalis na ako. Sumakay na ako sa motorsiklo ko at hindi ko na hinanap pa si Aaliyah. "Isa pa yun! Alam kong siya ang may pakana ng lahat ng ito."

Pinaharurot ko ang motorsiklo ko at nang makalayo na ako ay bumaba ako at sakto naman na nagriring ang phone ko.

*Aaliyah Fitzgerald Montefalcon calling..*

Mabuti at tumawag siya dahil marami akong sasabihin sakanya. Agad ko yung sinagot.

[Red? Nasaan ka?]

"Bakit mo pa ako tinatanong? Eh diba alam mo naman na nagpunta ako sa airport? Diba alam mo na darating ang Daddy ko ngayon at pinlano mo ang lahat ng yon?"

[Red I'm very sorry--]

"Ayan ka na naman eh!! Sinabi ko nang sawang sawa na ako sa sorry mo!! Bakit mo pa kasi pinipilit ang isang bagay na alam mong pagsisisihan mo? Nakakasawa na Aaliyah!!"

[Red gusto ko lang naman kayong--]

"Enough of your excuses Aaliyah! I'm sick and tired of this! Sino ka ba sa akala mo?"

[Red..]

Binabaan ko na siya at ibinalik ko na sa bulsa ko yung phone ko. Sumakay uli ako sa motor ko at umuwi na ako sa bahay. Pagdating ko sa bahay hindi ako mapakali. Galit na galit parin ako dahil sa nangyari.

Kaya lang Red si Aaliyah yun! Kaya mo ba siyang tiisin??

"D*mn!"

Sinipa ko yung mesa sa sala dahil sa sobrang init ng ulo ko. "Hindi ko na naman inisip yung sinabi ko." I grab my phone on my pocket and dialed her number. Hindi ko dapat siya sinisi sa nangyari. Oo galit ako sa Daddy ko pero hindi kay Aaliyah, nadamay tuloy siya.

[Hello Red?]

Lalaki yung sumagot, si tatay siguro to. "Si Aaliyah po?" Ang tagal bago siya sumagot kaya inulit ko yung tanong ko sakanya.

[Red..]

Ang lungkot ng boses niya, may nangyari ba? "Nanjan ho ba si Aaliyah? Gusto ko ho sana siyang makausap. Gusto ko pong humingi ng tawad sakanya."

[Pumunta ka na lang dito sa ospital hijo.]

"Ho? B..bakit po? May masama po bang nangyari kay Aaliyah?"

[Basta pumunta ka na lang dito, ite-text ko sayo ang address ng ospital.]

Dahil sa sinabi ni tatay tisoy ay bigla akong kinabahan kaya pagaka text niya saakin ng address ay mabilis kong minaneho ang motor ko papunta sa ospital. Anong nabgyari sakanya?? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Aaliyah.

HashTag: Medyo Badboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon