11 #Francheska Bautista

1.3K 52 0
                                    

Cheska's POV

Pagkatapos kong mamili ng mga pagkain sa bahay ay pumunta na agad ako sa ospital para dalawin ang kapatid ko.

May dalawa akong kapatid isang babae at isang lalaki. Yung sumunod sakin si Francisco 10 years old at yung bunso naman namin si Francine ay 4 years old, siya din yung dadalawin ko ngayon sa ospital.

Na diagnose kasi siyang may lukemia ilang buwan palang ang nakakaraan at ngayon nga kailangan niya ng bone marrow transplant. Okay naman sana akong mag donate pero wala kasi kaming pambayad para sa operasyon dahil walang wala kami. Yun nga lang chemo theraphy niya halos mamulubi na kami tapos yung operasyon pa.

Kaming tatlong magkakapatid lang kasi ang magkakasama. Yung magaling naming nanay ayun sumama sa soulmate DAW niya. Sinasama pa ang mga kapatid ko pero hindi ako pumayag dahil nalaman ko na sinasaktan lang sila ng walang hiyang lalaking yun. Nag da-drugs nga yun eh, nambababae, nagsusugal at palaging umiinom. In short palamunin ng nanay ko.
Sigh.. Ewan ko ba bakit ganito ang buhay naming magkakapatid at nasabi ko na ba na hindi pare pareho ang mga tatay namin?? Oo tama kayo ng nabasa, hindi nga kami pare pareho ng ama at kaming tatlo iba iba ang kulay namin.

"Ate!"

"Kiko!"

Tumakbo palapit sakin ang kapatid ko saka noya ako niyakap.

"Ang tagal mo naman. Akala ko hindi mo na kami babalikan ni Chin chin."

"Pwede ba yun? Umalis lang sandali si ate para humanap ng trabaho."

Tinap ko yung ulo niya at ginulo ko yung buhok niya.

"Oh kumain ka na."

"Wow jollibee!"

Nagtatalon siya sa tuwa at tumakbo papunta sa kwarto ni Chin chin. "Dahan dahan baka ka madapa."

Sumunod na ako sakanya sa loob at nakita ko si Chin chin na gising at hawak hawak niya yung laruan galing sa jollibee.

"Good morning Princess."

Lumapit ako sakanya at nasilayan ko naman ang maganda niyang ngiti.

"Good morning ma."

Umupo ako sa tabi niya at hinalikan ko siya sa noo.

"Nagustuhan mo ba yung laruan?" Tumango siya ng sunod sunod. "Kailangan kumain ka din ah." Tumango lang uli siya.

"Ate kanino tong burger?"

"Kuya bakit ate na naman ang tawag mo kay mama! Mama oh!"

Tinignan ko si yung kapatid kong lalaki at tinaasan ko siya ng isang kilay. Alam kasi ni Chin chin ako ang mama nila, dalawang taon lang kasi siya nung umalis kami sa probinsya kasama si Kiko kaya hindi akala niya talaga ako ang mama niya.

Pero mas okay na din yun, si Kiko kasi inaasar palagi sa dati niyang school na anak daw ng matandang mangkukulam kaya ayun hindi na siya pumasok sa eskwelahan. Nang makalipat kami dito sa syudad nag usap kami na mama na ang itatawag niya sakin at syempre sinabi ko rin naman yun sa nanay namin, total hindi umalis na rin daw kami sa poder niya eh pinaako niya na rin sakin yung responsibilidad sa dalawa.

"Sorry, ang bata pa kasi ni mama Chin kaya para makahanap siya ng mapapangasawa, tinatawag ko siyang ate."

"Ayoko! Huwag mo na uling tatawaging ate si mama!"

"Oo na hindi na. Kumain ka na nga."

Inabutan niya ng burger si Chin chin saka na sila kumain.

"Mama kain ka."

HashTag: Medyo Badboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon