43 #Panaginip

527 16 0
                                    

Cheska's POV

"Cheska sigurado ka bang dito talaga nakatira si Red?"

Tumango ako sakanya. Wala pang isang taon nang umalis kami dito at kabisadong kabisado ko parin ang lugar. Dumungaw ako sa taxi na sinasakyan namin dahil hinarang kami nung guard sa subdivision.

"Manong natatandaan nyo pa po ba ako?"

Tinitigan ako ni manong guard saka ngumiti nang maalala nya siguro ako. "Opo natatandaan ko po kayo. Pupunta po ba kayo sa mga Montefalcon?"

"Opo doon nga po ang punta namin."

"Osige mam. Akala ko po kasi sino. Paiwan na lang po ng id nyo sir."

Kinuha nya yung id nung taxi driver na sinasakyan namin saka nya kami pinapasok. Nagpaalam na ako kay manong guard saka sumandal uli sa kinauupuan ko. Habang nakasandal ako dito ay taimtim akong nananalangin na sana ay nandito sya. Sana hindi totoo ang sinabi sakin ni nanay.Sana lang makita ko na sya.

Tinignan ko yung katabi ko at tahimik lang sya. Naka hawak sya sa noo nya at hindi ko alam kung masama ba ang pakiramdam nya o natutulog lang sya. Halos pitong oras din kasi ang naging byahe namin at madaling araw na. Naaawa naman ako sakanya, nadamay pa sya sa pagpunta ko dito.
Sa totoo lang sinabihan nya ako na magpahinga muna kami sa kamag anak nila dito dahil nga dis oras na ng gabi nang makarating kami dito, pero pakiramdam ko hindi ko na kakayaning ipagpabukas pa ang paghihintay ko na makita si Red kaya nagpumilit akong pumunta dito sa bahay nila kahit na hindi ko alam kung anong dadatnan ko dito.

Ipinikit kong muli ang mga mata ko at taimtim na nanalangin. Ilang minuto pa ay nandito na kami sa tapat ng bahay nila Red. Bukas ang ilaw sa labas pero madilim sa loob ng bahay. Agad akong bumaba at kumatok sa gate nila.

"Red! Red si Cheska to' nandito  na ako Red!"

Kumatok ako ng paulit ulit at nag door bell din pero walang sumasagot.

Maya maya pa lumabas yung katulong yata sa may kalapit ng bahay nila.

"Ate wala nang nakatira jan. Naka for sale na yang bahay oh."

May tinuro syang karatola na naka lagay nga for sale. "B..bakit.. Naka for sale na ate? N..nasaan.. Na yung may ari..?" Ayoko mang itanong yun pero gusto ko talagang malaman. Natatakot man akonsa magiging sagit nya ay nilakasan ko na lang ang loob ko.

"Ang yung gwapong binata ba? Ang sabi nila namatay daw sa aksidente eh."

Nanlambot ang mga tuhod ko sa narinig ko mula sakanya. Mabuti na lang at nandito si sir Rain sa tabi ko at nasalo nya ako. Awtomatikong nagbagsakan ang mga luha sa mata ko. "H..hindi.. Hindi.. Hindi pa sya patay.. Nagsisinungaling siya.." Tuluyan na akong napa upo sa kinatatayuan ko at iyak lang ako ng iyak. "Hindi pa sya patay.. Sinabi nya babalikan nya ako.. Hindi! Hindi pa sya patay!"

"Tama na yan Cheska, ang mabuti pa umuwi na lang tayo."

"Ayoko! Dito lang ako.. Dito lang ako senyorito.. Hihintayin ko syang bumalik.. Ayokong umalis dito.. Hindi pa patay si Red!!"

"Patay na siya Cheska kaya tara na umuwi na tayo."

Umilung ako sakanya. "Kung gusto mo umuwi ka na. Hindi ako aalis dito. Hihintayin ko sya dahil alam ko babalik sya. Babalikan nya ako. Pangako nya yun sakin."

"Bahala ka. Paniwalaan mo ang sarili mo."

Pagkasabi nya nun ay tumalikod sya at sumakay na uki sa taxi saka na umalis. Naiwan ako dito na mag isa at iyak padin ako ng iyak. Pumunta ako sa may gate at umupo doon. Lalo lang akong umiyak nung makita kong papalayo yung taxing sinasakyan ni sir Rain. "Sige, iwan nyo na lang akong lahat.. Jan naman kayo magaling eh.." Sumandala ko sa gate at niyakap ko ang mga tuhod ko saka ako yumuko. Red.. Magparamdam ka naman.. Alam ko hindi ka pa patay.. Alam ko nandito ka lang.. Please naman magpakita ka naman sakin ngayon.

HashTag: Medyo Badboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon