39 #Forgotten Feelings

435 20 0
                                    

"Nay gusto ko na mag trabaho. Kayo na lang ang tao sa bahay at hahanap ako ng trabaho sa bayan."

Naka upo kami ni nanay sa tapat ng bahay kung saan matatanaw mo ang dalampasigan. Binabantayan namin yung dalawa na naghahabulan.

"Kaya ko pa naman anak, dito ka na lang muna."

"Pero mas malakas ako sainyo nay, mas kakayanin ko ang mga mabibigat na trabaho."

"Eh ano yan?" Tinuro na yung sugat sa siko ko. Nasugatan pala ak9 nung isang araw nang itulak ako nung anak ng amo nya. "Napaka lampa mo kaya, nabalian ka na ng binti at lahat lahat tapos gusto mo pang magtrabaho."

"Wala lang to nay, ang mahalaga kahit ano pang pagsubok yan nakakaya kong tumayo."

"Wag na nak, alagaan mo na muna ang mga kapatid mo. Kayo na lang ang meron ako at ayokong mawala kayo sakin, kaya hanggat kaya ko pa pagsisilbihan ko kayo."

"Nay naman eh! May malubha na ba kayong sakit?"

*plok*

"Aray ko nay! Nakaka bobo yang ginagawa nyo sakin eh."

"Eh ano bang malubhang sakit ang sinasabi mo jan?"

"Eh sobrang bait nyo kasi eh. Sobrang nakakapanibago na."

"Nakapag isip isip lang ako."

Lumapit ako sakanya at niyakap ko sya ng mahigpit. "I love you nay."

"Labyu too nak."

Sobrang sarap sa pakiramdam ng ganito. Ngayon ko talaga na aappreciate si nanay. Sana hindi na matapos ito.

"Nak?"

"Ano yun nay?"

"Bakit kahit kailan hindi tinanong sakin kung sino ang tatay mo?"

Natahimik ako sa sinabi nya. Tama sya, kahit kailan hindi ko tinanong sakanya kung sino ang tatay ko. Hindi naman kasi nya binabanggit kaya feeling ko ayaw nyang pag usapan. "Kuntento na po kasi ako na kasama ko kayo. Kung responsable lang sya dapat hindi nya kayo iniwan, dapat sana andito pa sya sa tabi nyo at kasama tayo."

"Pero ayaw mo ba syang makilala?"

"Kung darating sya edi meow!"

Piningot nya ako ng mahina pagkasabi ko nun. Si nanay talaga, hindi makukumpleto ang araw nya pag di nya ako sinaktan.😑😒

"Ester?"

Huh? Sino yun? Pareho kaming napatingin ni nanay sa may pintuan.

"Tao po. Ester?"

Tumayo ako at umikot papasok ng bahay para buksan ang pinto. Nasa bakuran kasi kami sa likod ng bahay.

"Ester?"

Pagbukas ko ng pintuan. "Nanay Pasing? Kayo ho pala. Tuloy po kayo."

"Oh ate Pasing ikaw pala."

Biglang dumating si nanay. "Magtitimpla lang ho ako ng maiinom sandali."

"Dalawahin mo na hija at may kasama ako."

"Ho? Sino ho?"

"Kasama ko si senyorito Rain. Sya kasi ang nagmaneho at naghatid sakin rito hija."

Sus! Sumama sama pa dito ang mayabang na yun. "Sige po. Sandali lang ho." Ngumiti ako at pagkatapos ay nagtimpla ako ng juice. Tinawag ko pa si Kiko para bumili ng yelo sa tindahan kaya lang sa sobrang layo nya tingin ko hindi nila ako naririnig kaya ako na yung lumabas.

"Bibili lang ho ako ng yelo sa tindahan."

Pagpapaalam ko sa dalawa pero parang hindi naman nila ako narinig. Kaya lumabas na lang ako.
Paglabas ko sa bakuran nakita ko si senyorito na naka sandal sa kotse nya at nag ccellphone. Hindi ko sya pinansin at naglakad na ako papunta sa tindahan.

HashTag: Medyo Badboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon