41 #Hashtag Medyo Badboy

472 18 0
                                    

"Aray ko." Bumangon ako at hinawakan ko ang ulo ko. Parang binibiyak sa sobrang sakit. "Ano bang nangyari?"

"Hindi mo alam kung anong ginawa mo kagabi?!"

Tinignan ko si nanay at hindi ko maipinta ang pagmumukha nya. Ano bang kasalanan ko sakanya??

"Gusto mo ipaalala ko sayo?"

Lumapit sya sa akin saka ako pinagpapalo. "Aray ko nay! Nasasaktan ako." Inaawat ko sya pero pinagpapalo nya parin ako.

"Kailan ka pa natutong uminom bata ka? Hindi mo na inisip na may nanay at mga kapatid kang nag aalala sayo at pagkatapos hindi ka pa nahiya kay Sir Rain at sya pa ang naghatid sayo dito.Hindi ka na ba talaga titino?"

Naglasing ako kagabi? Pilit kong inalala yung nangyari kahapon.. Ang huling natatandaan ko lang ay umiyak ako nung nasa kotse ako ni sir Rain at pagkatapos dinala nya ako sa bar.. At pagkatapos..
Pilit kong iniisip yung kasunod. Kaya lang bigla akong nagising ng batukan ako ng malakas ni nanay.

"Aray ko naman nay! Masakit yun ah."

"Talagang masasaktan ka sakin kapag hindi ka nagtino! Bumangon ka jan at pumunta ka sa Pier para bumili ng isda. Kapag wala ka nang dinatnan asin at tubig ang ipapakain ko sayo!"

"Oo na po."

Pagkasabi ko nun ay humiga uli ako. Ang sakit talaga ng ulo kooooooooo!

"Iska!"

"Ayan na po." Madali akong bumangon at naligo ako para kahit papaano naman ma alimas masan ako.
Ano ba talagang nangyari kagabi?? Ganun ba talaga ang epekto ng alak?? Jusme kahit kailan hindi ko na yata gugustuhing uminom ng alak. Hanggang ngayon kasi masama parin ang sikmura ko. Alam mo yung pakiramdam na sukang suka ka na pero nangangasim lang yung sikmura mo at wala kang mailabas. "Isusumpa ko na talaga ang alak na yan!"

"Iska tanghali na!"

"Opo patapos na."

Minadali ko na ang pagligo ko saka na ako nagbihis. Pagpasok ko sa kwarto kinuha ko sa aparador yung cellphone na bigay sakin ni Red at tinignan ko baka may text sya o kaya naman missed call. Araw araw ko naman yung ginagawa, kahit na sinabi ni nanay na hindi na sya babalik.😞😞 "Sigh.." Ibinalik ko na ito at saka na ako lumabas ng kwarto, ni hindi na nga ako nakapag suklay at lumabas na ako kaagad ng bahay. Baka mamaya wala na talaga akong abutang isda dahil dis oras na.

"Aalis na po ako."

"Bilisan mo at kailangan ko na ding umalis para magtrabaho."

"Isama ko na ho kaya yung dalawang bata?"

"Wala sila nakipag laro kina Win win. Sunduin mo na lang mamaya pagkatapos mong magluto ng tanghalian."

"Sige nay mauna na ako."

Umalis na ako ng bahay at naglakad papunta sa Pier. Mejo may kalayuan yun mga kalahating oras din siguro bago ka makarating doon at habang naglalakad ako pinipilit kong alalahanin kung ano yung nangyari kagabi. "Bakit ba ngayon pa hindi gumagana ang utak ko?"

"Baka dahil sa hang over. Eto inumin mo."

Hindi ko napansin na may kasabay pala akong lumalakad. Pagtingin ko may inabot syang isang buong buko na may straw. Meron din syang hawak at iniinom nya ito.

"Kunin mo na. Nangangawit na ako."

Kinuha ko yun mula sakanya saka ininom. Nahihiya ako sakanya. Bakit ba kasi wala akong matandaan sa mga nangyari kagabi?

"Sir pwede ba akong magtanong?"

"Bakit mo ba ako tinatawag na sir? Trabahador ba kita? Amo mo ba ako?"

HashTag: Medyo Badboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon