25 #Think of Aaliyah

810 26 0
                                    

Inayos ni Red ang mga gamit niya dahil magbabakasyon siya ngayon sa Cebu, matapos ang isang buwan na pag-aaral niya sa pamamahala ng kanilang hotel ay kailangan niya munang mag relax upang maging handa siya sa pamamahala dito.

"Ilang araw ka doon?"

"Don't worry Dad, I'll be home on saturday."

"Ikaw ang bahala. Matanda ka na."

"Dad! I'm only 26 at hindi pa ako ganun katanda. On't worry, pag uwi ko dito ipapakilala ko sa'yo ang magiging daughter-in-law mo."

"Puro ka kalokohan. Don't tell me wala na kayo ni Steff?"

"Forget about her, hindi naman naging kami."

Napa iling na lang si Kyle dahil sa sinabi ng anak. "Hindi ko alam kung kanino ka nagmana."

"Hindi ko kasalanan kung ipinanganak ako ni Mommy na gwapo." Pagkikibit balikat niya bago tuluyang isuot ang backpack sa likuran.

"Makakahanap ka rin ng babaeng makakapagpa tino sa'yo, gaya ng Mommy mo."

"Hope to find her in Cebu. I have to go now Dad."

"You take care."

###

Paglabas ni Red sa airport ay hinintay niya ang kotseng susundo sakanya papunta sa isang private ressort na pagmamay ari ng pamilya nila. Sa paghihintay niya ay may isang babae na naka bangga sakanya, para itong hinahabol ng kung sino man kaya pag dampot nito sa mga nahulog na gamit ni Red ay agad niya itong ibinigay sakanya at nagmadaling umalis. Ni hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakataon na sigawan ang babae sa katangahan niya gaya ng palagi niyang ginagawa.

"Tssss!"

Maya maya pa ay dumating na ang kotseng susundo sakanya at agad na kinuha ng driver ang mga gamit niya at inilagay ang mga ito sa compartment ng kotse.

Habang naghihintay siya na paandarin ang sasakyan ay kinuha niya ang selepono sa bulsa at nag browse ng mga magagandang lugar na pwedeng pasyalan pero hindi pa siya nakakapag google nang biglang bumukas ang pintuan at may babaeng sumakay sa kotseng sinasakyan niya. Itinulak pa nito si Red para umusog ito at sinabihan pa yung deiver na paandarin na nag sasakyan saka siya sumisilip sa bintana na animo'y may tinataguan.

"Manong ihinto niyo!" Inis na utos ni Red sa driver at agad naman siyang tinignan nung babae nang may pagmamaka awa nguniy kabaligtaran naman ang ginawa ni Red, masama ang tingin niya sa babae at tinulak pa niya ito upang pabababain.

"Please, hayaan mo na akong maka sakay dito, promise magbabayad ako. Basta huwag mo lang akong pababain please." Ipinag dikit pa nito ang mga kamay na parang nanghihingi ng tawad saka siya palingon lingon sa mga humahabol sakanya. Nang mapansin niyang malapit na ito sa kinalalagyan niya ay yumuko ito at nagtago. Umusog naman si Red at lalabas na sana sa kabilang pinto upang isumbong ang babae pero hinila nito ang damit niya.

"What are you doing?" Inis na tanong niya sa babae pero 'shhhh!' Sign lang ang narinug niya dito. "Bitaw!" Utos niya

"I'm begging you please.."

"No!" Sabay hila niya sa damit niya at lumabas siya ng kotse. "Excuse me." Pagtatawag niya sa atensyon nung mga lalaking parang may hinahanap.

"Bakit?"

"May hinahanap ba kayong babae?"

"Oo."

"Mahaba ba ang buhok niya na kulay golden brown?"

"Oo."

"Payat at may taas na 5'5"?" Tinignan ni Red ang babae na talot na takot na nagtatago sa ibaba ng upuan at panay ang senyas sakanya.

HashTag: Medyo Badboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon