30 #Hindi OK pero OK padin

587 18 0
                                    

Cheska's POV

"Ikaw.."

"A...ako??" Hindi ko alam kung bakit ako nauutal ngayong kaharap ko siya. Pinanindigan mo na ba ang pagiging tanga mo Iska? Umayos ka nga!! "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sakanya habang naka titig ako sa mga mata niya at naghihintay ng sagot.

"Ikaw.. ikaw muna ang sumagot. Masyado na akong nagiging madrama, hindi bagay sakin."

Ah yun pala yun. Jusme!! Umasa na naman akoooo!! Alam ko naman na hindi ako yun, at kung meron man siyang taong hindi makakalimutan ay malamang si Aaliyah yun. Nawala man ang alaala niya pero ang puso niya hindi makakalimot.

"Ah wala yun, kalimutan mo na lang."

"Boyfriend mo?"

"Naku! Hindi no." Hindi pa nga nagiging tayo eh..

"You mean, wala kang boyfriend?"

"Wala eh. Wala naman kasing magkaka gusto sakin. Mahirap, walang pinag aralan at walang maipagmamalaki. Kung meron man siguro, yung kauri ko din."

"Bakit mo ba minamaliit ang sarili mo?"

Tinignan ko siya at napaka seryoso ng mukha niya.

"Hindi ko minamaliit ang sarili ko. Alam ko lang talaga kung hanggang saan ang kakayahan ko."

"Ganun din ba ang sinasabi ng puso mo?"

Hindi Red.. ang sabi ng puso ko mahalin kita kahit na bawal, kahit alam kong imposible, kahit na sa pangarap lang maging akin ka ay magiging masaya na ako.

"Alam mo Aaliyah, ang sabi nila kapag nangarap ka dapat taasan mo na, para kung hindi man yun matupad at least nangarap ka ng mataas."

Kung alam mo lang Red, napaka taas talaga ng pangarap ko at yun ang mahalin mo..

"Oh bakit tulala ka sa malayo? Huwag mong sabihing may nakikita ka na hindi ko nakikita?"

Tinignan ko siya at ngumiti ako. Hindi naman pala siya kagaya ng iniisip ko. Ibang iba siya sa Red na una kong nakilala, yung Red na masungit, mayabang, matapobre at siga. Ito ba yung totoong siya?? O baka naman nagpapanggap lang siya?? HAY NAKU ISKA!! bakit naman siya magpapanggap sa harapan mo?? Eh wala naman siyang mapapala sa'yo.

"Bakit hindi ka nagsasalita?"

"Ah.. wala, masaya lang ako. Bigla kasing gumaan yung pakiramdam ko."

"Talaga? Dahil ba yun sakin?"

"Huh?" Sinabi ko ba talaga yun?? Shemay naman Iska oh! Huwag ka ngang amin sakanya. "Siyempre hindi, nabusog na kasi ako kaya biglang gumaan ang pakiramdam ko. Oo nga pala gusto mong tinapay?" Mabilis kong kinuha yung tinapay na naka plastic bag pero nagkamali ako ng pagdukot dito kaya nahulog lahat ito sa sahig. "Oh.. wala pang ten minutes." Hindi ko alam kung bakit ko yun ginawa pero bigla ko na lang pinulot yung mga nahulog na tinapay at ibinalik sa plastic. Jusme, dahil ba to sa nerbyos ko ngayong kaharap ko siya o ano??

"Don't tell me kakainin mo pa yan?"

"Ha?? H..hindi, itatapon ko na to. Bawal kasing magkalat dito kaya sa basurahan ko itatapon."

Itinago ko na lang yung mga tinapay sa bag ko at hindi ko na siya inalok pa uli.

Katahimikan...

...

...

Katahimikan..

Lumunok ako ng laway saka ko siya dahan dahang tinignan. Naka hawak ang dalawa niyang kamay sa swing tapos mejo naka tingala siya at naka pikit. Napaka gwapo niya sa ganitong anggulo. Yung labi niya mas mapula pa sa labi ko, yung kutis niya parang labanos sa puti, yung ilong niyang ang tangos, at ang mga ngipin niya pantay pantay at ang pu-puti pa, Jusme lalo pa ngayon na naka ngiti siya sakin. Siya talaga ang depinisyon ng Adonis.

HashTag: Medyo Badboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon