33 #That Amnesia

758 23 0
                                    

Habang nasa kotse kami walang tigil ang pag kutkot ko sa mga kuko ko. Alangan naman kasing kausapin ko tong kasama ko dito eh hindi ko nga alam kung nasa mood oh ano eh.

Maya maya pa ay biglang tumunog ang selepono sa bag ko kaya agad ko naman itong kinuha. Tinignan ko naman yung katabi ko na abala sa pagmamaneho. Okay lang kayang sagutin ko to?? Siya kasi hindi niya sinagot yung tawag kanina eh.

Pero si Xavier kasi yung tumatawag, baka importante.

"Bakit hindi mo sagutin."

"Ha? Okay lang ba?"

Tumango siya kaya agad ko naman itong sinagot.

"Hello Xavier?"

Nagulat naman ako dahil bigla siyang pumpreno.

"Sorry."

Pagkasabi niya nun ay nagpatuloy siya sa pagmamaneho.

[Cheska okay ka lang?]

"Ha?? Ah oo okay lang ako. Nasaan ka?"

[Nasa ospital. Hindi ka ba papasok sa trabaho?]

"Ha?? Oo nga pala! Papasok ako, nakalimutan ko palang mag text kay sir kanina na baka ma late ako. Achoo!"

[May sakit ka ba? Para kasing iba yung boses mo at isa pa binabahing ka.]

"Oo sinisipon nga ako pero okay na ako. Nagpunta ako sa ospital kanina, akala ko kasi wala ka kaya hindi na kita dinaanan."

[Uminom ka na ba ng gamot?]

"Bibili pa lang."

[Ganun ba? Kung ganun, tawagan mo na lang si Jayson at sabihin mong hindi ka makakapasok.]

"Ha? Okay na ako at kaya kong pumasok sa trabaho. Huwag mo na akong alalahanin."

[Makulit ka. Nasaan ka ba?]

"Ako?? Uhmm." Tinignan ko yung lugar pero medyo madilim na at patuloy sa pag andar yung kotse kaya hindi ko rin alam kung nasaan ako eh. "Teka lang ha." Tinakpan ko yung speaker ng selepono ko saka ko tinanong si Red. "Nasaan tayo?"

O_____________________O

Tinignan niya ako ng masama kaya nagulat ako sakanya.

"Ah okay lang huwag mo na akong sagutin." Saka ko ibinalik sa tenga ko yung selepono. "Ah Xavier--" hindi ko na naituloy yung sinasabi ko dahil inagaw niya sakin yung selepono ko saka niya pinatay. "Ah.. b..bakit mo pinatay??"

"Ayoko ng maingay sa kotse ko."

Hindi na lang ako kumibo dahil sa sinabi niya. Sabi niya sagutin ko, tapos nung singot ko naman nagalit siya.

Tahimik lang ako buong biyahe at maya maya pa huminto siya sa isang pharmacy.

"Hintayin mo na lang ako dito at bibili ako ng gamot."

Bababa na sana siya nang hilain ko yung laylayan ng damit niya. Tinignan niya yung kamay ko na naka hawak sa damit niya tapos tinapunan niya ako ng tingin, dahilan para mabitawan ko yun.

"Yung.. selepono ko?"

Tinignan niya yung phone ko na hawak parin niya.

"Diba sabi ko, ayoko ng maingay?"

"Pero, hindi naman--"

"Shhhh!"

Tapos umalis na siya. Para na akong maiiyak dito, bakit ba ang sama niya sakin?? Kung ayaw niya sakin dapat hindi na siya nag malasakit pa. Lalo lang tuloy umaasa ang puso ko sakanya.😔😔

HashTag: Medyo Badboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon